Chapter 16

73 12 0
                                    


    
       
Zavry POV

Pagod na pagod akong kumuha ng damit sa locker at nagpalit sa banyo. Nagkawatak-watak na kaming tatlo dahil may gagawin daw si Mavis, and of course, as a president of this campus kailangan niyang gawin iyon. Si Bricelle naman ay biglang nawala, kaya ako na lang ang mag-isa.

Pagkatapos makapag-palit ay pumunta ako sa office ni Mrs. Flores upang sabihin na handa na kami sa gagawing performance sa friday.

"Come in!" sigaw nito sa loob nang kumatok ako.

"Miss Stailerson? May kailangan ka ba, hija?" anito. Lumapit muna ako sa table niya at tumungo.

"Sorry for interrupting you, ma'am. I just want to say to you that our group is ready for the performance," sambit ko. Nakita ko ang malapad na ngiti nito kaya tumango na ako sa kaniya upang makapag-paalam.

"I'll send it to you later ma'am, ikaw na po ang bahala sa kaniya." Tukoy ko sa record. Tumango ito kaya tumalikod na ako at lumabas sa opisina niya.

"Hey babe, you ready later?" Napalingon ako sa likod dahil sa aking narinig.

Sino 'yon?

Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kasalukuyang nandito ako sa parking lot at hinahanap ang susi ng kotse ko. Nagulat ako nang may biglans sumitsit sa akin, ngunit pag-lingon ko ay wala namang tao.

Creepy.

Hindi ko na lang iyon pinansin at pinagpatuloy ang paghahanap sa susi na hindi ko alam kung saan ko nailagay, kundi rito lang sa bag kong maliit.

Stupid! Nasaan ba 'yon?

"Hi miss beautiful, need help?" Napa-angat ang tingin ko sa lalaking nagsalita.

Nakaramdam 'agad ako ng takot, dahil may kasama itong dalawang lalaki.

"Sorry, I don't need a help from a stranger," pagtataray ko rito. Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy pa rin ang paghahanap sa susi ko.

Nasaan ka ba kasi?

"Ang taray mo naman miss, e mukha ka namang bakla. Sumama ka na sa amin, magiging masaya ka pa." Nabitawan ko ang bag ko nang bigla itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko, kaya sa takot at gulat ay pumalag ako sa kaniya.

"Ano ba! Lumayo nga kayo sa akin!" hiyaw ko rito. Hawak niya ang isa kong siko, kaya may kakayanan pa akong pumalag doon.

"Huwag kang maarte! Hawakan niyo siya," utos nito sa dalawa niyang kasama. Sobrang bilis nang pangyayari kaya hindi ko namalayang hawak na nila ang dalawa kong kamay.

Natatakot na ako sa kanila. Please, someone help me...

"Bitawan niyo ako! Guard! Tulong!" Kahit natatakot na ako, pilit ko pa ring pumapalag sa kanila.

Hindi sila naka-uniporme tulad ng amin, kaya sigurado akong trespassing sila. Nakakapagtaka, papaano nila nagawa iyon?

"Tulong! Help! Tulungan niyo ak—" naputol ang aking sasabihin dahil bigla niyang tinakpan ang aking bibig. Kahit ilang ulit akong sumigaw ay hindi ko magawa dahil sa kaniyang mabaho at malansang kamay.

"Ayoko sa lahat ay iyong maingay! Manahimik ka na lang at sumama sa amin, magiging masaya ka pa." Nakramdam ako ng kilabot dahil nakadikit sa pisngi ko ang kaniyang mukha at sa tainga ko niya sinabi iyon.

Naluluha na ako sa takot dahil sa kanila.

Tulong...

Nanginginig at lalo akong napapaluha nang bigla ako nitong hinalikan sa pisngi ko't pababa sa aking leeg. May nararamdaman din akong tumutusok sa aking tiyan na kung ano at sa tagiliran na sigurado akong kutsilyo iyon.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now