Chapter 31

64 4 0
                                    

          
        

Bricelle POV

Naglalayag ang aking utak nang magising ako. Hindi ko alam kung babangon ba ko o hahayaan ko na lang na kainin ako ng aking kama.

“Bricelle, iha! Bumangon ka na’t late ka na!” Natakpan ko ang aking tainga nang sigawan ako ni Lola. Nakabusangot na bumangon ako’t tumakbo sa banyo upang makapag-ayos na. Nang makapag-ayos ako ng aking sarili ay tahimik lamang akong kumain habang nakatitig kay Lola na patuloy ang panenermon sa akin.

“Juskopo talaga, Bricelle! Maraming mga bata at taong namamatay sa gutom. Maraming naghahangad ng makakain sa loob ng isang araw. Tapos ikaw itong nasa harap mo na, sinasayang mo pa. Pinapasakit mo ang ulo ko!” bulyaw nito. Nang makauwi kasi ako kahapon ay hinalungkat niya ang bag ko kung nakain ko ang kaniyang niluto, ngunit dahil iba ang inatupag ko kahapon ay nakalimutan ko iyon.

“Sige na! Lumayas ka na rito!” Nanlaki ang mata ko at tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig iyon kay lola.

Dali-dali akong lumuhod sa harap niya, “Lola, hindi na mauulit! Huwag niyo lang po ako palayasin!” pagmamakaawa ko.

“Hindi, luma—”

“Lola, sorry na! Maha ko po kayo, hindi na mauulit! Huwag niyo po akong iwan, La!” Tila nagbabadya ang mga luha sa aking mata dahil sa nangyayari ngayon.

“Iniwan na nga po ako ng mga magulang ko, pati pa po kayo? Please po!” Hinawakan ko ang mga kamay nito nang nagpupumiglas siya sa akin at hinalikan iyon.

“Ano ka ba! Anong pinagsasasabi mo? Kako lumayas ka na’t baka ma-late ka! Nasisiraan ka na ba ng ulo?” paliwanag niya. Natigilan ako’t napagtanto ko ang pinapahiwatig ni Lola. Kaya nagtawanan na kami’t napagpasyahan ko nang pumasok.

Habang naglalakad ako patungo sa quadrangle ay hindi ko mapigilan ang pag-uusap namin ni Froilan kahapon. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hinatid na niya ako sa amin. Inaaya pa nga siya ni Lola na maghapunan pero pinaalis ko na siya, dahil nakakaramdam na ako ng kahihiyan sa aking sarili.

“Bricelle, hoy!” Bumalik ako sa realidad dahil sa pagtulak sa akin ni Mavis. Ngayon ko lang din napagtanto na nasa gitna na pala ako ng quadrangle, kung saan nag-aayos ang bawat section ng booths nila.

“Bricelle, check mo ’yong marriage booth at message booth kung nakapag-ayos na sila,” utos nito. Tumango na lang ako at pumunta sa dulong bahagi ng quadrangle na ito. Pagpunta ko roon ay nilagyan ko naman ng check ang aking listahan at humakbang na pabalik sa puwesto namin sa harap.

Nilagyan nila ng stage sa unahan upang makapag-ayos ’agad sa pageant na magaganap. Ang sinalihan ko. Noong araw na nagbobotohan kung sino ang ilalaban ay napag-usapan namin na ako at si Froilan ang magiging representative ng section namin. Hindi sumang-ayon sa una sina Mavis dahil kasali ako sa mga nag-organized ng event, ngunit sa bandang huli ay napapayag naman siya ni Miss Alcantara.

“Lahat ng nag-organized ng event at SSG Officers, maaari po bang lumapit kayo rito sa amin dahil may pag-uusapan tayo. Thank you!” sigaw ni Mavis sa kaniyang hawak na megaphone. Nagsilapitan naman ang mga ssg officers at syempre, kaming kaibigan niya at ang United Nation.

“Hi, my lady.”  Nakaramdam ako ng matinding dagok nang may bumulong sa aking tainga. Paglingon ko roon ay isang halimaw na nakakurba ang labi habang nakatitig sa akin ang s’yang bumulong pala sa akin.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now