Chapter 24

83 8 2
                                    


   
      
Froilan POV

Ilang paulit-ulit na pagkatok ang gumising sa kaluluwa ko. Yamot na yamot 'kong kinuha ang aking unan at nagtaklob doon.

Sino ba kasi ang gunggong na kumakatok?

"Froilan, uhugin! Gumising ka na tol!" I heard a shout out of nowhere. Mayamot na mukhang bumangon ako at ginulo ang aking buhok.

Lintek talaga!

Paghakbang ko ng paa sa sahig ay nakaramdam ako ng pagkalula. Inalog ko muna ang ulo at humakbang na papalapit sa pinto kung saan may sunod-sunod na pagkatok. As I opened the door, I saw how shocked Lorence is. He suddenly avoid my glare and I heard a sudden clear high-pitched sound, made by forcing the breath through a small hole between his partly closed lips.

Fastidioso.

"Stop shouting! Masakit sa tainga!" reklamo ko. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Tinalikuran ko ito at humakbang papalapit sa kama ko upang umupo.

Narinig ko ang yabag ng kaniyang paa sa direksyon ko. Kaya nang masuri ko ang kabuuan niya ay napakunot na lamang ako ng aking noo.

"Pustahan tayo, nakalimutan mo 'no?" wika nito. Kunot ang aking noo habang nakatitig sa damit nito na nakapagpagising sa diwa ko.

May practice kami!

"Naku naman Froilan! Mayayari tayo kay coach nito. Bilisan mo na!" Dali-dali akong tumakbo sa banyo at nagsimula na mag-ayos sa sarili.

"Casterñado! You're late!" bulyaw sa akin ni Coach.

Nandito na kami sa gym ng CLIS kung saan nagaganap ang practice namin para sa mangyayaring laban sa event na inutos ni Dad. I was annoyed at first. And the second thing I know, I am here and practicing for that stupid event. Well, since my girl is the one who handle the event, I have no choice but to agree.

Psh. That girl.

"Casterñado!" Napatalon ako nang sigawan ako ni Coach. Paglingon ko pa sa mga ungas ay nagbubungisngisan ang mga ito.

"Ah yeah, I'm so sorry coach, marami lang pong isipin kaya nakalimutan. But don't worry, I'll make sure na hindi na mangyayari," pagwawari ko.

Kahit halata ang pagkabugnot sa mukha ni coach ay tumango lang ito at pumunta sa gitna upang samahan ang iba pa naming team. Napangiti na lang ako at hinakbang din ang paa patungo sa gitna ng gym.

"Hey, zup? Where's Tayler?" tanong ko sa kanila. Naagaw ko ang mga atensyon ng mga ito dahil natigilan sila sa pakikipag-usap.

Where the hell is that gay? Kanina ko pa siya hinahanap, but I didn't see him anywhere.

"He called last night, nag bakasyon ang family niya rito at may gatherings sila kaya nagpa-excuse muna," paliwanag ni Lorence. Kunot ang noong kinuha ko ang cellphone ko't tiningnan ang IG ng ate niya.

And Lorence's right. They're all gathered together like they really care with him. Binalik ko na lang ulit ang cellphone ko sa bag at hinarap so Lorence.

"Bakit hindi tayo imbitado?" tanong kong muli. Kinuha niya ang bola't pinatalbog iyon.

"I told you, family gatherings. Kilala mo naman sila kapag umuuwi rito. You know, our buddy needs to know some important information from his father." Nagkibit-balikat na lang ako.

Tayler's family is badly strict, especially for him. Her father wants to protect her sister, like he doesn't care about Ler's existence.

"Perfect Shot Stars Team, let's start!" anunsyo ni coach, kaya't sabay-sabay na kaming nagtipon sa gitna.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now