Chapter 48

18 0 0
                                    

Froilan POV

Pagmulat ko ng mata ay puting liwanag na ang sumalubong sa akin. Napapikit pa ako dahil nanlabo ang paningin ko, ‘di kalaunan ay unti-unting bumalik sa normal iyon.

“Froi, anak? Gising ka na!” Napalingon ako sa pamilyar na tinig na iyon. Paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko si mommy na umiiyak kaya nagtaka ako.

“Nasaan ba ako? Sa pagkakatanda ko, kasama ko si Bricelle at nasa—” naputol ko ang sasabihin nang maalala ang nangyari sa amin. Napabalikwas ako ng bangon, pero napahiga rin nang maramdaman ang kirot sa sikmura ko.

“Oh! Huwag ka munang bumangon at sabi ng doctor ay matindi raw ang pagkakatama sa sikmura mo. Pati ‘yang mukha mo ay binangasan! Sino ba ang may gawa nito sa ‘yo? May kaaway ka na naman ba?” Hindi ako sumagot. Sinuri ko ang buong kuwarto pero hindi ko makita ang hinahanap ko.

“Mom, nasaan si Bricelle?” Nagtaka ko nang maglaho ang pag-aalala sa mukha ni mommy. Parang may tinatago siya sa akin na hindi ko alam kung ano. Parang nagpipilit s’yang may sabihin.

“Mom?”

“Froi, mabuti pa magpahinga ka na muna. Ang sabi ng doctor ay kailangan mo raw magpahinga at huwag masiyadong gumalaw para hindi kumirot ‘yang sikmura mo.”

“But mom—”

“I’m serious, Froilan. Hindi ka lang sa sikmura natamaan, pati sa tagiliran. That can cause your appendix to burst and then having the appendix taken out, so rest.” Napasinghap na lang ako at sinunod ang sinabi niya.

Habang nakatunganga pa rin ako at si mommy ay naghahanda ng pagkain ay may lumitaw na mga tanong sa isipan ko, na sana ay sagutin niya.

“Mom, where’s dad and kuya?”

“Nasa CLIS ang daddy mo, may meeting sila kaya hindi siya makapunta rito. Kahit pilitin ko ‘yon, hindi siya makapunta kasi importante ang meeting nila sa ibang school. Ang kuya mo ay nasa opisina ng abuelo mo, may meeting din sila ngayon.” Binigay niya sa akin ang iba’t ibang klaseng prutas at inalalayan akong makakain.

“Ako lang ang naiwan sa bahay, nagulat na nga lang ako at nagsisisigaw ang yaya natin dahil may tumawag daw sa telepono galing sa ospital na ito at hinahanap ang guardian mo.”

Sunod-sunod na tumango ako. “Ilang araw na po ba akong nandito?”

“Tatlo.” Nanlaki ang mata ko at napabalikwas, at napahiga rin nang mabigla ang tiyan ko kaya nakaramdam ako ng kirot.

“Papatayin mo ba talaga ang sarili mo!? Sabi nang huwag munang gumalaw e! Huminahon ka nga!”

“Mom, paano ako hinihanon kung tatlong araw na pala akong nagpahinga at wala man lang akong kaalam-alam sa nangyari sa amin, sa kalagayan niya!?”

“Anong hinihanon? Huminahon kasi ‘yon! Ikaw bata ka, sa tagalog na nga lang ay bumabaliktad pa ‘yang dila mo.” Napanguso ako, pinipigilang mainis. “Ang galing mong magloko pero ang hina mo sa Filipino.”

“Whatever, Ma. I need to see her, please?” Hinawakan ko ang kamay niya at binigyan ito ng nagmamakaawang titig. Pero hindi siya sumagot, umiwas siya ng tingin sa akin.

“Ma, bata pa lang kami alam ko nang siya ang gusto kong makasama habang buhay. Ma, sinabi n’yang mahal niya ako. At ang salitang iyon ang pinanghahawakan ko kahit nilalayuan niya ako. Ang salitang iyon din ang dahilan ko para ituring s’yang prinsesa na katulad ng pagturing ko sa ‘yo na reyna.” Natigilan siya, naluluha pero punong-puno ng paghanga. “Kahit saglit lang po, gusto ko s’yang makita.”

“Ano pa nga bang magagawa ko kung tinamaan ng pag-ibig ang anak ko?” Ngumiti siya at hinawakan din ang kamay ko. “Oh s’ya! Tatawagan ko si Siero at sasabihing bibisitahin natin si Bricelle. Bukas na bukas, kapag nakalabas ka na ay didiretso tayo sa kanila.”

HIGH SCHOOL POPULAROnde as histórias ganham vida. Descobre agora