Chapter 19

85 10 0
                                    


   
    
Bricelle POV

Dahil sa biglaang competition o pandaraya na nangyari, wala muna kaming klase ngayong araw. Ngunit bawal pa kami umuwi dahil masiyado pang maaga, kaya nandito kami sa room at matamlay na nakatunganga lamang.

"Hey, chin up! Win or lose, it doesn't matter! Alam naman natin sa sarili natin na mas panalo tayo dahil hindi natin sila ginamitan ng pera, right?" biglaang sambit ni Tayler.

Inangat ko ang tingin sa kaniya, kung kaya't nagtama ang paningin namin. Ngunit sa pagkakataong ito ay nginitian ko na siya, at ginantihan niya iyon ng isang malapad na ngiti.

"Tayler's right. Mabuti pa at maglibang na lang kayo diyan o maglaro, wala namang klase ngayon," mungkahi ni Mavis. Tila napipilitang tumayo ang mga kaklase namin at nagkaniya-kaniya na sila ng grupo.

Kunot ang noo kong nakatingin kay Tayler nang ilipat nito ang upuan niya sa tabi ko.

"What? Gusto ko lang tumabi, girlfriend naman kita di ba?" Napakurap ako nang banggitin niya iyon sa harap ko.

Hindi ko alam kung ano ang inaakto niya, pero sana ay tigilan na nito dahil para na akong sasabog sa kinauupuan ko.

"Ewan ko sa 'yo!" Mahinang humalakhak ito at ipinatong ang braso niya sa likod ng bala ng aking upuan.

"We should join too!" Dumoble ang kunot ng aking noo dahil ginaya ni Lorence ang ginawa ni Tayler. Tumabi ito kay Mavis na tila nandidiring nakatitig doon.

"Inggitero ako," si Russell. Sa p'westo naman ni Zavry ito tumabi. At kumunot ang noong napatingin ako sa dalawa.

Nagpapalitan sila ng titig at mukhang may something na nangyayari.

"What about you, Froi? Aren't you gonna join us?" pag-aaya ni Tayler sa kaibigan nito na nakasandal pati ang paa sa black board, habang dikit ang kilay na nakatitig lamang sa amin.

Nang magtama ang paningin namin ay umiwas ito at bumuntong-hininga.

"Ikaw din, you're gonna fall if you let go the rope you are holding." 'Agad akong napasulyap kay Tayler dahil sa sinabi nitong makabuluhan ngunit parang nagbabanta.

Napatalon ako nang may bumangga sa upuan ko. Nakamuang ang bibig na nakatitig ako kay Froilan na umupo sa tabi ko, habang magka-cross ang kamay at nakasandal.

"I don't think so, bro. I'm a hiker, I will hold still the rope until I reach the top of that mountain I'm climbing," sagot ni Froilan. Napalunok na lang ako dahil sa tensyon na nararamdaman.

"Alam niyo, pagusapan na lang natin ang big event na inutos sa inyo ni Dean. Ano na palang plano niyo ro'n?" pagbasag ni Lorence sa tensyon na bumabalot sa amin.

Ngayon ko lang din napansin na pabilog ang nabuo naming pwesto.

"Of course, we already plan it," nakataas ang kilay na sagot ni Mavis sa kaniya. Nakagat ko na lang ang labi dahil mukhang nabara na naman ni Mavis si Lorence.

Habang si Lorence ay napakamot na lang sa kaniyang ulo at napasandal sa inuupuan nito.

"So here's the p—"

"Anong meron dito?!" Lahat kami at natigilan nang makarinig ng sigaw. Paglingon namin sa harap ay si Señora lang pala iyon.

"Señora, ano po ang ginagawa niyo rito? Wala po tayong klase ngayon," si Mavis. Napahawak sa kaniyang bewang si Señora habang nakataas ang isang kilay nito.

"Aba, aba! Pinapaalis niyo ba ako rito? Kung gayon, ayaw niyo pala magklase?" Nakataas ang gilid ng labi niya habang sinasabi iyon.

"Hindi naman po sa gano'n. Pe—"

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now