Chapter 11

90 15 0
                                    

Chapter 11.
    
     
Bricelle POV

"Zyn!"

"Poy anong ginagawa mo d'yan?!" sigaw ng batang babae sa batang lalaki na nakasabit sa puno. Tila takot na takot ito at nangingiyak na ang kan'yang muka.

"Zyn! Tulungan mo ako! Hindi ako makababa! Help! Mom! Dad!" Natatarantang pumasok ang batang babae sa loob ng mansion at tinawag ang mga magulang ng batang lalaki na nakasabit sa puno.

Dali-daling lumabas ang mga iyon at nang makita ang anak nilang nakasabit sa puno ay tila nanginig ang kamay ng nanay nito. "My son! Hold on okay? Wait for us, okay? Omyghosh! Have you lose your mind?"

Walang ibang ginawa ang batang lalaki kundi ang umiyak. Natatakot ito sa panganib na dadating sa buhay niya dahil sa tuwing tumitingin ito sa ibaba ay parang mahuhulog ito.

"M-Mmom! Help me!" sigaw niya habang nakayakap sa sanga. Mahigpit na mahigpit iyon at tila ayaw pakawalan.

Habang nakakapit ang batang lalaki ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip nito. Kung siya ba ay mahuhulog at mababalian ng buto, o masasagip ng kan'yang mga magulang.

"Poy! Kapit ka lang! 'Wag kang mamamatay, Poy!" hagulgol ng batang babae. Hindi niya matignan ng maayos iyon dahil kahit siya ay natatakot at nanginginig sa kaba.

"My son, trust us, you can let go na, we got you! Come on son! You're a good man right?" Napatingin ang batang babae ro'n. Doon lang niya napagtanto na naka-abang na ang ama ng lalaki at naka-abang ang mga kamay nito upang siya'y saluhin.

"In a count of three, you can let go my son." Sa kaba at takot ay tinakpan ng batang babae ang kan'yang mata, ngunit naglagay ito ng konting butas upang makita pa rin ang nangyayari.

"One... two... tree!" Tuluyang tinakpan ng batang babae ang kan'yang mata. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kaibigan kaya unti-unti niya iyong binuksan.

Pagbukas niyon ay nakita n'yang mahigpit na nakayakap ang kaibigan sa ama nito, habang sila ay nasa sahig. Unti-unting tumingin sa kan'ya ang kaibigan kaya nagliwanag ang mga muka nito at dali-daling pumunta sa isa't-isa.

"Poy! Akala ko mawawala ka na! Pinag-alala mo ako, Poy! Hindi na kita bati!" hagulgol ng batang babae habang nakayakap sa kaibigan nito.

Hinagod-hagod naman iyon ng lalaki at nakangiting pinatahan ito. Sunod ay tinignan niya ang kaibigan na may ngiti sa labi.

"Ikaw talaga, Zyn. Hindi ako mawawala. Tutuparin pa natin ang mga pangarap at pangako natin sa isa't-isa diba?" sambit nito. Nakangiting tumango ang batang babae at inakap muli ang kaibigan nito.

Sunod ay sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng mansion. Kasabay n'on ay ang unti-unting pagliwanag ng kapaligiran at pagwala ng mga imahe.

HIGH SCHOOL POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon