Chapter 12

84 14 3
                                    

Chapter 12.
    
    

Bricelle POV

Maagang nag-dismissal ngayon dahil may meeting pa raw ang mga teacher. Maaga pa naman kaya ayoko pa ring umuwi kaya napag-desisyonan kong tumambay sa garden.

Habang naglalakad papunta ro'n ay nakikita ko mula sa malayo si Andrea. Kaliwa't kanan ang pagsulyap nito, tila may hinahanap. Nang magkalapit na kami ay tumigil ito sa harap ko.

"Bricelle, sorry pala noong unang araw na pagkikita natin. I'm so sorry," sambit nito. Malapad na nginitian ko lang ito.

"Okay lang, hindi mo naman kasalanan 'yon." Biglang nagliwanag ang muka niya at lumapad ang ngiti, kaya nakita ko na naman ang presko sa muka nito.

"Salamat! Ah, oo nga pala... nakita mo ba si Froi? May ibibigay sana ako eh." Tumingin ako sa hawak niya, hindi ko napansin na may hawak-hawak pala itong maliit na envelope.

"Ah, hindi e. Baka nasa tabi-tabi lang 'yon," sagot ko.

Mata kasi ang ginagamit. Tsk.

Lumungkot ang muka nito, tila nangyinayang siya sa narinig. "Ah gano'n ba? Sige, salamat! Mauna na ako, hahanapin ko pa siya. Nice meeting you, again!" Tumango lang ako sa kan'ya at nilagpasan ito.

Mabait naman ang pakikitungo n'ya sa'kin, pero bakit naiinis ako? Hindi ko alam sa sarili kung anong nararamdaman, kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad.

"Bricelle!" Napalingon ako sa taong isinigaw ang pangalan ko. Pagsulyap ko ro'n ay si Tayler na nagmamadaling tumatakbo.

Nang makaharap na ako ay hapong-hapo na tumigil ito sa harap ko at nakangiting tumingin sa'kin.

"N-Nahulog mo ang wallet mo. Kaya hinabol kita, nagbabakasakali na maibigay sa'yo 'to," paliwanag nito. Tumayo s'ya ng tuwid at may kinuha sa bulsa n'ya. Nang mailabas niya iyon ay nakita ko ang wallet ko, kaya hinablot ko 'agad ito.

"Don't worry, hindi ko binuksan 'yan kaya wala kang dapat alalahanin kung may nawala ba d'yan." Tinignan ko muli ang wallet ko at tinignan s'ya. Itinago ko na muna sa bag ko iyon, bago tignan siya at nginitian.

"Salamat. Sobrang halaga ng wallet na 'to sa akin, baka makasapak ako kapag nawala 'to," biro ko. Malakas na tumawa naman siya at ang kamay nito ay nasa batok.

Natigil ako ro'n dahil naramdaman ko na naman ang dibdib ko na walang humpay sa malakas na pagtibok.

Anong nangyayari sa'kin? Bakit ang c-cute niya?

"Thank you for making me laugh, hahaha! Anyway, I'll go first. See you tomorrow and be prepared sa friday! Bye!" Kumaway din ako sa kan'ya at nang tumalikod ito ay hindi ko maiwasang mapangiti.

Pati likod ang gwapo!

Nakangiting tumalikod na rin ako at pinatpatuloy ang paglalakad papunta sa garden. Nang nasa gate na ako nito ay bubuksan ko na sana, ngunit napahinto ako dahil sa narinig mula sa loob.

"Mierda! I hate it! I want her to remember me, please? But I think that I still have feelings to the one I've met 4 years ago! I don't know what to do, damn it!" sigaw na nanggaling sa loob. Unti-unti kong binuksan ang gate at dahan-dahang sinundan ang pinang-gagalingan ng boses na iyon.

"La odio! She's always bothering me, but I love it everytime I've got her attention!" Patuloy ko lang sinusundan ang tinig na iyon, hanggang sa makarating ako sa dulo ng bahagi nito, kung saan may maliit na lamesa, kung saan ay may alak at dalawang upuan.

May isang lalaking naka-upo ro'n. Habang nasa malaking halaman ako't nagtatago, sinulyapan ko kung sino ang nasigaw. Nanlaki ang mata ko't napahawak sa aking bibig dahil sa gulat.

HIGH SCHOOL POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon