Epilogue

76 1 0
                                    

Graduation

Hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng sasakyan. Tila ba may kung anong mayroon sa akin na gusto na lamang magwala at sumabog. Ang noo at kamay ko ay nagpapawis. Ang kabog ng dibdib ko ay walang humpay sa pagtunog.

“Bri, tara na sa loob?” Napalingon ako kay ate nang anyayahan ako nito. Kahit nagdadalawang isip ay tumango ako at sinundan siya.

Pinaupo niya ako sa unahan, sa stage, kung saan kitang-kita ang mga masasayang mukha ng bawat estudyante rito sa CLIS. Kitang-kita sa kanila ang kagalakan, pagkamangha sa sarili at pagmamahal sa isa't isa. Subalit kumunot ang noo ko nang hindi ko mahanap ang gusto kong makita.

“Magsisimula na po ang seremonya, kindly seat on your perspective chairs. Thank you,” pagbati ni Mavis sa mga estudyante. Paglingon niya sa akin ay nginitian ako nito. Gano’n din ang ginanti ko sa kaniya at hinintay magsimula ang seremonya.

Nang may dumating na limang estudyante at nakatungong pumunta sa unahan ay lalong nagdikit ang kilay ko. Nang magtama ang paningin namin ni Tayler ay tinanong ko siya kung nasaan si Froilan, ngunit wala iyong tunog. Mabuti na lamang at nabasa niya ang bibig ko dahil tumugon siya at sinenyas ang kamay na hindi niya alam. Nakaramdam ako ng kabiguan. Tumango na lamang ako sa kaniya at tinuon sa harap ang atensyon.

Makalipas lang ang ilang saglit ay may tumunog na musika. Muling umakyat si Mavis sa stage at humarap sa mga estudyante upang magsalitang muli.

“Bago tayo magsimula ay nais ko munang ipakilala ang kataas-taasan, kagalang-galang, at matipunong nilalang na namumuno sa paaralang ito. Everyone, please give some loud of applause for our Dean! Let’s all welcome our one and only, Dean Morales Estevos Casterñado!” Umalingawngaw ang iba't ibang palakpakan mula sa mga estudyante at guro nang umakyat sa stage si Dean at nagbigay mensahe.

‘Di kalaunan ay natapos din ito kaya agad s’yang umupo sa bakanteng upuan na katabi ko. Nang magtabi kami ay malawak niya akong nginitian.

“Congratulations,” pagbati niya.

Ngumiti ako sa kaniya’t tumango. “Salamat po.”

“And of course, ang isa sa pinaka magaling na doctor! Hindi lang sa buong Pilipinas, maski na ang mga taga-ibang bansa ay nagagalingan sa kaniyang pang-gagamot! Everyone, please give some loud of applause for Doctor Thomas Stailerson. One of our shareholder here in CLIS!”

Pumasok ang isang matipuno at matangkad na lalaki. Maybe he’s in his mid-60’s. He is slight muscular. He has short straight blond hair and has a beard with goatee. Napansin kong kilala iyon ni Mavis kaya tiningnan ko nang mabuti ang lalaking iyon.

Habang nagsasalita siya sa unahan ay sinuri ko ang buong katawan niya. Tila pamilyar ang pigurang iyon ng lalaki, para bang nakita ko na siya noon.

Ilang saglit pa nang matapos siya ay napansin kong may tinanguan ito. Paglingon ko roon ay nakita ko si Zavry na nakangiti sa lalaking iyon. Doon ko lang napagtanto ang sinabing surname ni Mavis. Hindi ko inaakalang ama ni Zavry ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko naman kasi alam ang pangalan o maski itsura ng magulang nila.

“Congratulations,” pagbati niya sa akin nang umupo sa tabi ni Dean.

Nakangiting tumango lamang ako. “Salamat po.”

Muli ay umakyat si Mavis at may pinakilala. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya, nagulat na lamang ako nang may dumaan sa harapan ko na isang matandang lalaki na diretso lamang ang tingin at tila walang pakialam sa mundo. Ang narinig kong pangalan ng lalaki ay Mitsuishi Daichi—halatang hapon.

Ilang saglit pa ay may pinakilala na naman si Mavis. “Everyone, please give some loud of applause for the boss of the bosses. Mr. Sebastian Piero Dy Holder!”

HIGH SCHOOL POPULARHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin