Chapter 39

53 3 0
                                    

       
     

Bricelle POV

Kasalukuyang inaayusan ulit ako dahil ibang style naman daw ang kanilang gagawin sa akin.

Hindi ko alam na may ganito pala. Feeling ko tuloy isa akong singer na may concert at kailangang magpalit-palit ng damit.

“There! Okay na, iha,” sambit ng aking stylist.

Tiningnan kong muli ang sarili sa salamin. Naka-ponytail lang ito sa taas, ngunit may naiwan pa ring mga hibla ng buhok sa baba at ayon ang kinulot niya.

Bakit ganito? Kay Zavry bagay ang ayos na ito.

“Nice! Bagay sa outfit mo ang hairstyle mo ngayon.” Lumingon ako sa nag-salita dahil sa sinabi n’yang tungkol sa akin.

“Maraming salamat. Pero teka, bakit ganito? Mukha naman akong cheerleader nito!” natatawang sambit ko kay Quinn.

Hindi siya sumagot, bagkus ay may kinuha ito sa isang sulok at nang iharap niya sa akin iyon ay nanlaki ang aking mata.

What is happening?

“Quinn, bakit? Anong gagawin ko diyan?” Hindi niya pinansin ang tanong ko at inihagis lang sa akin ang damit. Kaagad ko namang sinalo iyon at pinagmasdan ng tingin.

“Just wear it,” nakangiting sambit nito.

Kahit nagtataka ay sinuot ko na lang ’yon at hindi na nakipagtalo pa.

Ilang minutong pagbibihis ay napag-desisyonan kong lumabas na sa dressing room kahit sobrang uncomfortable ng soot ko.

“Bricelle! We're running out of time! Ang tagal mo naman diyan!” sigaw ni Quinn mula sa labas.

Huminga muna ako nang malalim at dahan-dahang hinakbang palabas ang aking paa. Nang makalabas ay busy ang mga tao sa kani-kanilang gawain kaya't dahan-dahan akong lumapit kay Quinn at kinuhit ito.

“Ano ba ang tagal—” natigil ito sa pag-sasalita nang makita ako.

“So? Okay lang ba? Does it suits me?” tanong ko rito. Wala s’yang sinabi, ngunit iniikot-ikutan lang ako nito na tila sinusuri ang kabuuan ko.

“Oh my gosh! Bagay na bagay sa'yo!” sigaw nito. Natakpan ko na lang ang tainga dahil sa tili niya, tipong gusto niya yatang masira ang eardrums ko.

“Puwede ba?! Huminahon ka nga! Ang sakit mo sa tainga,” taas ang isang kilay na pagwika ko. Tinawanan lang ako nito at tinulak na ako sa mga naka-hanay na candidates.

“Good luck, lil sis! Swerte ang damit na 'yan dahil ang may-ari n’yan ay laging nananalo!” Kahit nagtataka ay hindi ko na lang muna inintindi ang kaniyang sinabi.

Kailangan ko mag-focus dito.

“Here. Pom-poms 'yan, hindi kumpleto ang outfit mo kapag walang ganyan.” Inabot niya sa akin iyon kaya kaagad ko namang kinuha.

“Good luck, sis!” sigaw nito sa akin.

“Candidate number twenty seven, Miss Bricelle Holdler and Mr. Froilan Casterñado in wearing their sports outfit! Let's give them some loud of applause!” ani ng Mc. Sinimulan ko nang humakbang pataas at pag-dating sa gitna ay roon, nakita ko si Froi sa suot niya.

“Cariño?” Nilahad nito ang kamay niya sa akin kaya't hindi na ako nag-inarte pa at inabot din ang kamay ko rito.

“Beautiful,” bulong nito. Sinimulan na naming rumampa at mag-pose sa harap ng mga estudyante.

May ilang din photographer at journalist na kinukuhanan kami, para raw kasi iyon sa magazine ng paaralan.

Habang magkahiwalay na rumarampa kami ay pasimple kong tiningnan ang ayos niya. Suot niya ang kaniyang jersey na may apelyido at numbet nito sa likod. May dala rin s'yang bola na nasa kaliwang kamay nito, na ngayon ay pinapaikot niya sa kaniyang daliri habang nakakurba ang labi.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now