Chapter 27

75 5 0
                                    

      
   
Bricelle POV

Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin, na s’yang dahilan kaya’t nagsasayawan ang mga bulaklak at ibang tanim sa hardin na ito. Habang nakaupo akong muli sa kubo’t tinatanaw ang mga bulaklak ay hinahayaan ko lang umagos pababa ang aking mga luha.

Naiinis ako sa aking sarili dahil sa taglay na kahinaan. Masyado akong nadadala ng aking damdamin, kung kaya’t bandang huli ay ako ang talo. Ako ang naiyak at nasasaktan.

“Bricelle? Puwede bang pumasok?” Nakaramdam ako ng makapanhilakbot nang may tumawag sa akin. Nilingon ko ang direksyon ng gate at doon nakita ko si Froilan na nakasilip.

Hindi ko siya pinansin at pinunasan lang ang mainit na likido sa aking pisngi. Nang marinig ko ang yabag nito papalapit sa akin ay napabuntong hininga ako.

“Anong ginagawa mo rito? ’Di ba ang sabi ko ay huwag ka nang lalapit sa akin at ayaw na rin kitang makausap. Ang tigas din ng ulo mo e ’no?” Nilingon ko ito at hindi manlang siya makatingin sa akin, kaya’t napasinghap na lang ako’t isinandal ang likod sa kahoy na inuupuan.

“Kahit anong pagtataboy mo sa akin, lalapit at lalapit pa rin ako sa ’yo. Hindi ko kayang hindi ka kausapin at lapitan, kaya’t okay lang magmatigas basta makausap ka lang,” lahad nito. Nagitla ako sa kaniyang sinabi ngunit hindi ko ipinahalata iyon sa kaniya.

Hindi na ako umimik at dinamdam lang ang katahimikan ng kapaligiran. Kahit hindi ako nakalingon sa kaniya ay ramdam at nakikita ko sa gilid ng aking mata na humakbang ito palabas ng kubo’t pumitas ng bulaklak. ’Agad din naman itong bumalik sa puwesto niya kanina’t tinitigan lang ang bulaklak na hawak nito.

“No’ng gabing nasa bar tayo, hindi kita hinalikan habang lasing ka. Sinukahan mo ako that time at kahit nasa kwarto ko na tayo, suka ka nang suka. Kaya’t mas pinili ko na lang ang maghubad dahil baka sukahan mo na naman ako. At sorry dahil hindi ko napalitan ang damit mo. Ayokong hubadan ka. I respect you,”  paliwanag nito.

Habang sinasabi niya iyon ay natutula ako sa kaniya. Hindi ko alam ang aking ilalabas na salita sa kabutihang kaniyang ginawa. Tama nga ako. Kahit may pagkahalimaw ang ugali niya ay may malambot na puso ito. Hindi ko inaakalang may mga lalaki pa palang marunong rumespeto sa mga kababaihan. Na kahit nasa sitwasyon kami ng kahinaan ay hindi sila gumagawa ng hakbang na kabastos-bastos.

And that was the real definition of respect. He respect me, not just as a woman. But a human.

Nginitian ko siya, “Thank you. Don't worry rin, I’m not mad. Naiintindihan ko ang ginawa mo. Thank you for respecting me.” Itinaas nito ang gilid ng labi niya’t inabot sa akin ang bulaklak, kaya’t tinanggap ko iyon.

“At saka pala ’yong nakita mo sa kuwarto ko, puwedeng satin-satin lang iyon? Nakakahiya naman kung malaman ng iba na mahilig ako sa pambatang laruan,” sambit nito habang napapakamot sa kaniyang batok.

“Okay, sige kung ayan gusto mo. Pero seryoso? Mahilig ka sa blue devil na iyon? Ang cute lang!” biro ko. Paglingon ko sa kaniya ay kumunot ang noo ko nang mag-iwas ito ng tingin at unti-unting mamula ang kaniyang tainga. Kaya’t hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito’t sinuri ang mukha niya.

“Okay ka lang? Bakit ang pula ng mukha mo?” Umiling lang ito at tinakpan ang mukha niya, gamit ang kamay nito kaya’t natawa na lang ako’t binitawan na ang mukha niya.

Parang bata.

“Ano ka ba! Huwag ka ngang mahiya! Ang cute kaya.” Hinawakan ko ang kamay nito at tinanggal ang pagkakaharang sa mukha niya. Ngunit nang matanggal ko ang kamay niya ay nagitla ako sa ginawa nito.

“Did you just smak kissed me? How dare you?” Ngumisi lang ito’t bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Kumunot ang noo ko sa tinitingnan niya kaya’t nahawakan ko ang aking dibdib at dali-daling tinanggal ang kuwintas na nakasabit doon.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now