Chapter 50

23 0 0
                                    

Bricelle POV

Pinakiramdaman ko ang sarili dahil tila namanhid ang katawan ko. Unti-unti kong binuksan ang aking mata, malabo iyon ngunit nang paulit-ulit kong ipikit at buksan iyon ay naging normal na ang paningin ko. Doon ko lang din napagtanto na nakagapos ang katawan ko.

Paglingon ko sa kapaligiran ay kumunot ang noo ko sa pamilyar na kuwartong ito. Tila ba nanggaling na ako rito, at ang puwesto kong ito mismo ang pinaglagyan ko sa alaala ko.

Teka... parang alam ko na ang lugar na ito.

“Zyn, anak? Anak ’wag mong susundin ang sinasabi nila!”

Nanlaki ang mata ko, kasabay ng memoryang unti-unting pumapasok sa isip ko na naging dahilan din upang kumirot iyon. Hindi nga ako nagkakamali, ito ang puwesto kung saan ginapos ako ng matandang iyon dito, kasama si mama. Dito rin nila pinaslang ang ina ko. At dito rin nila pinukpok ang ulo ko na naging dahilan upang mawalan ako ng memorya sa edad na sampung taon na gulang.

“Bricelle!” Napalingon ako sa babeng kaharap ko, ‘di kalayuan sa puwesto ko. Napagtanto kong si Brylle iyon na pilit tinitanggal ang gapos sa kaniyang katawan.

“There’s no use,” sambit ko na lang. Bumagsak ang balikat niya at napasinghap nang mapagtantong wala na s’yang magagawa.

Sinuri ko pa ang kapaligiran. Doon ko lang din napagtanto na hindi kami nag-iisa dahil nasa dulo si Dean at Tita Florentina na nakagapos at wala pang malay. Sa kabilang banda naman ay ganoon din ang sitwasyon ni Papa at Fransisco.

Ano ba itong nangyayari sa amin? Sino ba ang may gawa nito? Pati body guards ni Papa ay napatumba nila.

“Pagbabayaran nila ito—” natigil ang sasabihin ko nang magbukas ang pintuan. Naging dahilan din iyon upang mapabalikwas ang mga kasama namin, marahil dahil sa lakas ng tunog na nilikha ng pagbukas niyon.

“Gising na pala ang mga hampaslupang ito!” Kumunot ang noo ko sa boses ng isang babae. Pamilyar ang tinig niyon sa akin, ngunit hindi ko matandaan kung sino at saan ko narinig iyon.

“Sino ka? Saan mo dinala si Froilan!?” pagtangis ko rito. Napansin kong pilit pumapalag si Dean sa pagkagapos niya pero sinenyasan ko itong tumigil, na kaagad din n’yang sinunod.

Tumingin ako sa taong may suot ng kulay kape na taklob. “Sino ka? Saan mo dinala si Froilan at bakit mo ito ginagawa?”

Dahan-dahang lumapit siya sa akin at biglang humalakhak. Nakaramdam ako ng kilabot dahil doon, ngunit hindi ko pinahalata at pilit pinapatatag ang sarili.

“You didn’t know me?” tanong niya, dahilan upang tumaas ang isang kilay ko. “Mukhang effective ang pagpapanggap at pagtatago ko. Well...” Unti-unti n’yang tinanggal ang taklob niya at nang tuluyan n’yang matanggal ay nanlaki ang mata ko. Tila nalagutan ako ng hininga nang ngumisi siya sa akin.

“Andrea?” utal-utal na sambit ko.

“Nice to meet you.” Tumayo siya kaya lahat ng kasama namin ay hindi inaasahan na makahaharap namin siya. Malawak ang ngiti niya, dahilan upang mag-igting ang panga ko.

“Nasaan si Froilan?” muli kong tanong. Humalakhak siya, at nang lumapit sa akin ay biglang naging seryoso ang kaniyang mukha at naging itim ang atmospera.

“Masiyado ka namang atat na makita ang lalaking iyon,” wika niya at hinawakan ang pisngi ko upang pisilin. “Pero dahil mabait ako, sige. Pagbibigyan kita.”

Nang padabog n’yang binitawan ang pisngi ko ay nakaramdam ako ng kirot, ngunit binalewala ko na lamang at tiningnan s’yang humahakbang papunta sa pinto.

HIGH SCHOOL POPULARUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum