Chapter 4

151 20 3
                                    

Her true state.



Nandito kami ngayon sa gym upang mag practice na ng aming gagawin sa music. Naghihintay na lang kami sa mga lalaki na partner namin.

Kanina ay pinagkaguluhan lang ako ng lahat, nauuna na roon si Zavry. Daig niya pa ang nakakita ng artista sa sobrang paghanga ika niya sa akin. Ginawan pa niya ako ng MeGram at kung ano-ano pang social media. Tatanggi pa sana ako pero hindi ko siya napigilan dahil gumawa niya iyon sa kaniyang cellphone.

Habang naghihintay ay sinuri ko ang mga kaklase namin na nandito. Hindi ko makita si Tayler. Wala siya sa room kanina pa, simula nang hinila siya ni Froilan sa kung saan.

Bakit kaya wala pa silang lahat?

"Zav, can I borrow your phone for a minute?" pagpaalam ko rito. Dahil wala akong cellphone na touch screen, kaya manghihiram na lang ako. May importante lang sana akong titingnan.

"Oh, sure. Here." Walang pag-alilangan na binigay niya iyon sa akin kaya tiningnan ko muna ang social media na ginawa nila para sa akin. Kumalabog ang puso ko sa aking nakita nang buksan ito.

Is this true?! Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ni Zavry at ang lahat ng iyon ay galing sa account ko. Maraming nag-follow at nag-comment sa picture na nilagay ni Zav sa account ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon.

Hindi ko maitago sa aking sarili ang galak na nadarama. May kakaiba sa akin ngayon na s'yang nagpabuhay ng enerhiya ko. Kaya nang makita kong may paparating na kalalakihan ay binalik ko na kay Zav ang kaniyang phone at tiningan ang boys na presentadong naglalakad, nauuna na ro'n si Froilan.

"Why took you guys so long? Kanina pa kami naghihintay rito," nakataas ang isang kilay na panenermon sa kanila ni Zav. Isa-isa nang pumunta sa bench ang mga lalaki kaya ro'n ko lang napansin na tila kulang sila ng isa. Hinanap ko si Tayler pero hindi ko siya makita.

"Nasaan si Tayler?" Lahat ng lalaki ay tumingin sa akin at nagkibit-balikat lamang, dahilan upang kumulo ang dugo ko.

"Boyfriend mo 'yon 'di ba? Eh 'di, hanapin mo." Inis na nilingon ko si Froilan at inirapan siya saka hindi na lang umimik upang pigilan ang inis ko rito.

Nang mapagtanto na wala talaga si Tayler dito ay naisip kong tawagan siya sa number na kaniyang nilagay sa cellphone ko. Ida-dial ko na sana ito nang may naaninag akong isang pustura ng lalaki.

Si Tayler! Diretso siyang naglalakad habang ang kaniyang kamay ay nasa bulsa niya at may... pasa? Bakit may pasa siya sa mukha?

Daglian kong hinakbang ang paa papunta sa kaniya at hinawakan ang mukha nito, gulat naman siyang napahawak sa kamay ko at napatitig sa akin. Nakaramdam naman ako ng makapanhilakbot nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Subalit hindi ko na lang muna iyon pinansin at sinuri ang kabuuang mukha niya.

"Bakit may pasa ka sa mukha mo? Sinong may gawa nito? Sinong bumugbog sa 'yo? Ba't hindi ka lumaban? Sabihin mo nga! Bakit?!" Binalewala niya ang tanong at sigaw ko. Lilingunin ko sana ang likuran ko nang mapansing doon siya nakatingin... nang bigla n'yang nilapit ang katawan sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa. Rinig na rinig ko ang tambol sa aking dibdib, at amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan. Tila gusto ko na lang bumuka ang lupa at hayaang kainin ako nito. Pakiramdam ko tuloy ay namumula ang mukha ko ngayon na waring kamatis.

"Don't worry about me, I'm fine." Nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi niya dahil rinig na rinig ko pati ang paghinga nito. Agad akong humiwalay ng yakap dahil ramdam kong sasabog na ako kapag hindi ko pa napigilan ang sarili.

"Let's go? Practice na tayo para makaalis na agad," aniya. Tinanguan ko lang siya at agad pumaharap sa mga kaklase naming kanina pa pala nakatitig. Ang iba ay mukang kinikilig pero ang iba naman ay masama ang tingin.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now