Chapter 14

79 13 1
                                    

Bricelle POV

Dumiretso kami sa gym ngayon para mag warm-up. Excuse raw kaming lahat sa mga subjects, dahil kailangan na namin matapos ang gagawin naming performance.

Habang nag s-stretch ay lumilingon-lingon ako sa labas.

Bakit kasi wala pa siya? Anyare ba ro'n?

"Wala siya. Busy sa office ni Dean." Gulat akong napatingin kay Tayler na katabi ko lamang, nahihiyang pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

"Bakit daw?" buong lakas na tanong ko. Nang tumingin ito sa akin ay napa-iwas ako ng tingin. Nakakailang kasi ang mga titig niya, para ka niyang sinusuri.

"I don't know, siya na lang ang tanungin mo," masungit na sagot nito. Naggataka akong napatingin dito. Iba ang pakikitungo niya sa'kin ngayon.

"Guys and Girls!" sigaw ni Zavry habang natakbo papalapit sa pwesto namin.

Galing kasi ito sa labas, siya ang taga-bantay o taga-tingin ng mga kaklase naming late.

"Simulan na natin, para maaga tayong matapos," aniya. Mga nagreklamo ang iba at ang iba naman ay nagkibit-balikat lamang.

"Masiyado tayong rush! Kung ano-ano kasing ginagawa niyo, imbis na rito tayo mag-focus. Mga feelingerang twoh!" Lahat kami ay nagkatitigan. Sinulyapan ko si Zavry, at nang makitang nakangisi ito ay nasapul ko ang aking noo.

Alam na this!

"What did you just said?" mataray na tanong nito.

Ayan na nga! Nag turn on na ang bitch side ni Zavry!

Lahat kami ay gumilid at tumingin sa isang babaeng naka-cross arm at sinasabayan ang tingin ni Zav.

Wait. Nicole? Ohmygosh...

Nagulat ako na si Nicole pala iyon, ang kasabay kong nakapasok sa audition ang siyang makakasagutan ni Zav. Hindi ko rin alam na ganiyan pala ang ugali niya. Bait baitan. Pakitang tao. Pathetic.

"What? I didn't say anything," pagtanggi nito. Nakangising nilapitan siya ni Zav kaya pinag-gitnaan namin sila.

"Oh, really? Wait a second," si Zav. Kinuha nito ang cellphone niya sa bulsa at may pinindot-pindot doo. Sunod ay bigla niyang tinapat sa amin ang speaker ng phone niya at may pinarinig.

"Masiyado tayong rush! Kung ano-ano kasing ginagawa niyo, imbis na dito tayo mag-focus. Mga feelingerang twoh!" Ang boses ni Nicole iyon, at ang kaniyang sinabi kanina. Mukang alam ko na ang meaning nito.

She recorded everything!

"So? Ngayon mo sabihin sa akin na hindi ikaw 'to," sambit ni Zav. Mataray na lumapit ito kay Nicole at nag-cross arm sa harap niya.

"B-Bakit mo ginawa 'yon?" nauutal si Nicole. Tumawa nang malakas si Zav at ilang saglit lang ay tumigil ito, upang ngisian si Nicole.

"Hindi ba obvious? Alam ni Mrs. Flores na magre-reklamo kayo, kaya sinabihan niya ako na mag-record nang patago," pagpapaliwanag niya. Napangiti ako sa sinabi ni Zavry.

Ganiyan talaga siya. Kaya marami rin ang takot na maging leader siya ay dahil talagang bistado ka kapag nagreklamo.

"Ah eh... whatever!" mataray na saad ni Nicole. Inirapan lang ito ni Zav at pum'westo na ito sa harapan. Humarap kami sa kaniya at jmayos na rin.

"Sa susunod na reklamo niyo, sa office tayo magkikita-kita. Nagkakaintindihan ba tayo rito?" Napangiti ako ro'n at tumango sa kaniya.

Sinimulan na rin namin mag-practice, at kahit si Tayler ang nasa-harap ko ay hindi ko mawala sa aking isipan ang halimaw na iyon.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now