Chapter 29

59 5 0
                                    

      
       
Bricelle POV

Nandidito kami ng babaeng nasa likod ko sa silid-aklatan habang nakasilip. Hindi ko maaninag ang kaniyang pigura, ngunit nararamdaman ko ang kuryusidad namin.  Habang nakasilip kami’y kumunot ang aking noo nang may binanggit ang dalawang magkasintahan sa loob.

“We should separate our daughters. The rival might hurt them and I don't want that thing to happen,” wika ng medyo may katandaan na lalaki.

“Ayoko! Kaya naman natin silang protektahan, Siero! Kaya nga tayo may malalakas na guwardya hindi ba? Kaya ko silang protektahan! Please? Huwag mo sanang bawiin o ilayo sa akin ang kaligayahan at buhay ko.” Tila ang puso ko’y lumumbay nang matunghayan ang paghikbi ng babae. Sunod-sunod na umiling naman ang mestisong lalaki at inakap ang kasintahan.

“Hon, I’m sorry. Look, I don't know what to do anymore. Nag-aalala rin ako sa mga anak natin. Natatakot ako, sana walang mangyaring masama sa kanila,” wika nito.

Dahan-dahan kong sinarado ang malaking pintuan ng silid-aklatan at humihikbing humarap sa babaeng nagliliwanag ang mukha. Kasabay n’yon ay ang unti-unting paglayo niya sa akin at biglaang pagliwanag ng aking paningin.

“Wake up right now or I’ll kiss you, Bricelle.” Unti-unti kong ginalaw ang aking mga mata at hindi ko pa man naimumulat ay nagitla ako nang ako’y kaniyang yakapin. Ngunit nang kumalas ito ay hindi ko pinahalata na ako’y nagulat at kaagad akong tumingin sa magulong kapaligiran at binalewala ito. Kitang-kita ko sa gilid ng aking mata ang naging kaniyang reaksyon.

Ang pagkagulat. Ang paghihinayang...

“What happened?” tanong ko sa mga taong nakapaligid. Biglaan akong tumayo at sinuri ang kapaligiran.

“I’ll go get some water.” Nang maramdaman kong tumalikod na siya ay pasimpleng tiningnan ko ito habang pinagkakaguluhan pa rin ako ng mga tao. Kitang-kita ko ang paghihinayang nitong humakbang paalis habang bagsak ang kaniyang mga balikat.

“Miss Holdler, are you okay?” tanong ni Dean. Tumango ako rito tinaas ang aking ulo upang makita ng maayos kung nandoon pa ang aking hinahanap sa likod ni dean.

“That's good.” wika niya. Nang makalapit sina Mavis sa akin ay nilingon ito ni Dean.

“Samahan niyo siya sa clinic, we still have to continue this event. Nakakahiya sa mga bisita,” sambit ni Dean. Tumango na lang kami kaya’t tumalikod na ito sa amin at humakbang papalapit sa direksyon kung saan may napapalibutan na guwardya.

“Tara na?” pag-aaya ni Zavry. Umiling ako dito’t nginitian siya.

“Ako na lang, kaya ko naman e. At saka asikasuhin niyo na muna itong event,” tugon ko. Kumunot ang noo nito at tiningnan ako ng may nag-aalalang tingin.

“Sure ka?” May kurba sa aking labing tumango ako, kaya’t wala na siyang nagawa. Tumalikod na ako’t tinahak ang daan paalis sa stage.

Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria upang kumuha ng tubig ay may nararamdaman akong yapak sa aking likod. Dahil sa pangamba ay dahan-dahan akong tumigil at pumaharap sa likod ko, ngunit kumunot ang aking noo nang mapagtantong wala namang tao roon.

Weird.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at nang malapit na ako ay may narinig akong nag-uusap sa likod ng cafeteria, dahilan upang ako’y makaramdam ng kuryusidad. Tahimik kasi ang lugar dahil nasa gym ang mga estudyante, kaya siguro naririnig ko iyon. Kaya’t upang mapagalitan ang mga estudyanteng iyon ay dahan-dahan akong pumunta sa likod at tiningnan kung sino iyon. Ngunit, tila nalagutan ako ng hininga nang makilala iuon.

HIGH SCHOOL POPULARTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang