Chapter 33

73 6 4
                                    

         
        
Froilan POV

May ngiti sa aking labi nang bumangon ako mula sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ng aking unan at napakamot na lang nang makita ang orasan.

Panibagong araw, panibagong kaganapan.

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo upang makapag-handa na. Lalo pa’t hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako sa pageant na sinalihan ko. I don't even know why I joined, in fact that I hate that kinds of activities. Pero no’ng pumayag siya. . . I think that’s the reason.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na ako maligo, kaya namili ako ng damit na sosuotin ko ngayon. Habang nagsosuot ako ay hindi mawala sa aking isipan ang pagdating niya. I didn’t expect na ngayon ang sinasabi niyang soon. Inalog ko ang ulo’t hindi muna inisip iyon. Inayos ko ang long sleeves at binuksan ang dalawang botones no’n. Ang pang-inaba ko naman ay kulay itim na shorts at sneakers lang ang sapatos ko.

Habang nakatingin sa malaking salamin na nasa aking harapan ay hindi ko naiwasang mapangisi. Humakbang ako nang ilang metro upang pumunta sa drawer ko na tanging mga pabango lang ang laman. Kinuha ko ang kulay blue na baby cologne at nilagyan ko ang gilid ng aking leeg, pati na rin ang batok ko’t pulsuhan. Pagkatapos ay binalik ko iyon sa lalagyanan at tumingala upang kuhain ang salamin ko, from Ray-Ban. Nang maging komportable ako sa aking ayos ay kinuha ko na ang bag ko, pati na rin ang relo ko’t cellphone na nasa gilid ng aking unan.

“Froilan! Breakfast is ready!” I heard a shout out of nowhere, maybe from downstairs. Kaya lumabas na ako sa kuwarto ko’t tinahak ang daan patungo sa dining area. Pagdating doon ay kumunot ang noo ko nang makita na kaming dalawa lang ang nandidito.

“Good morning, mom.” I kiss her cheek, “where’s Dad and kuya?” Umupo na ako’t naglagay ng pagkain sa aking pinggan.

“Ang papa mo ay nasa school na. While your kuya, uhh... I don't know? Ang paalam niya sakin, may pupuntahan lang daw siya. Does your kuya have a girlfriend?” Tumawa at umiling na lang ako sa sinabi ni mommy.

Really? A Francisco Casterñado wants a girlfriend? I don't think so. Mas gugustuhin pa no’n mag-party sa madaming babae.

“I don’t think so. Kuya is not like that,” tugon ko. Sunod-sunod na tumango siya’t umupo na sa puwesto nito.

“Anyway, bilisan mo na diyan at sabi ng papa mo ay mag-aayos pa raw kayo ng mini shop ba.” Sunod-sunod akong napaubo kaya dali-dali akong binigyan ni mommy ng tubig. ’Agad kong kinuha sa kamay niya ’yon at tinungga.

“Ano ka bang bata ka! Magdahan-dahan ka nga!” Nang makaramdam ng pagkaginhawa ay tumayo na ako’t kumuha ng tinapay at hatdog upang ipalaman doon.

“Mauna na ako, Ma. Late na ako.” Nilapitan ko siya’t hinalikan sa pisngi at hinakbang ko na ang paa upang makapunta na ako sa campus. Nang makasakay ako sa kotse ay pinaharurot ko iyon patungo sa CLIS.

“Mr. Casterñado, hindi ba sinabi kong maaga dapat tayo ngayon? ’Di ba sabi ko walang late! Anong oras na oh, thirty minutes kang late!” panenermon niya. Hapong-hapo akong nakatingin sa kanjga dahil tumakbo ako nang nakarating ako rito, ngunit sermon niya ang bumungad sa akin.

“I’m sorry,” sambit ko. Nang ilayo nito ang tingin ay napangisi ako nang makita ang munting ngisi sa kaniyang labi. Lumapit ako rito at hinawakan ang kaniyang kamay.

“Sabi ko na hindi ka magagalit ng matagal e. Let's go?” Naningkit lang ang mga mata nito at kunot ang kilay na sinuri ang kabuoan ko.

“Why? May dumi ba sa mukha ko?” Umiling siya.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now