PROLOGUE

1.3K 33 14
                                    

Disclaimer: All characters (except for Stell), setting and events are fictitious.

This story contains strong words, mature scenes and violence. Stop reading or skip a certain part if uncomfortable.

Prologue

Third Person Omniscient Point of View

"Hoy! Magnanakaw! Ibalik mo 'yan!" 

Malawak ang ngiti niya habang mabilis na tumatakbo papalayo sa babaeng humahabol sa kaniya, dala ang isang supot ng kanin na may lamang kaunting ulam sa loob. 

Mabilis siyang umiiwas sa bawat taong nadadaanan niya.

"Excuse me! Excuse me po!" sigaw niya habang tumatakbo. 

Pinag-titinginan na siya ng mga tao pero wala na siyang pakialam doon. Ang gusto lang niya ay makarating sa lugar kung saan siya ngayon tumutuloy. 

Kumunot ang noo niya nang makita ang mga taong nagkukumpulan sa 'di kalayuan. Anong meron?

Nakipag siksikan siya sa mga taong naroon. Napasinghap nalang siya nang makita niya kung anong nangyayari. 

Ang bahay ampunan, nasusunog.

Si Lola...

"Tama! Si Lola Susan!" 

Tatakbo na sana siya papasok sa loob ng bahay ampunan nang bigla siyang harangin ng isa sa mga bumbero. 

"Bawal pumasok! Delikado!" anang bumbero. 

"Yung Lola ko! Nakalabas ba yung Lola ko Kuya? Sabihin mong nakalabas siya!" naluluha na siya dahil sa pag-aalala. 

"Susubukan naming i-rescue ang lahat ng nasa loob. Kumalma lang kayo sandali, makakalabas ang lahat." pilit siyang pinapakalma ng lalaki habang patuloy siya sa pagluha. 

Hawak pa rin niya ang supot na may lamang pagkain na paghahatian sana nila ni Lola Susan para sa tanghalian. 

"May na-trap daw na matanda sa loob!" 

Napa upo na lang siya sa sahig dahil sa narinig. Wag po si Lola, please. Wag po. Siya na lang ang meron ako. 

May ilang mga tao ang nahihirapang huminga na nakahiga sa stretcher. Ang ilang tao naman ay kanya kanyang dala ng timba na may lamang tubig para tumulong na maapula ang apoy. 

"Atras po kayo! Atras!" sigaw ng bumbero. 

Dahan dahang umatras ang mga taong nagkukumpulan, at isa na siya doon. Mainit sa pakiramdam dahil napakalaki ng apoy. Pero iisang tao lang ang nasa isip niya sa mga oras na ito. 

"Lola..." bulong niya habang patuloy pa rin siya sa pag iyak. 

Mukang masyado siyang nagtagal sa pagbabantay sa karinderya para hindi siya mahuli, hindi na niya namalayan ang nangyayari sa paligid niya. 

Bakit nasunog ang ampunan? Anong nangyari sa mga kapwa niya batang abandonado na? Nasaan ang mga nag aalaga sa kanila? Ligtas ba sila? 

Ligtas ba si Lola Susan?

Kung hindi ba siya umalis, makakalabas kaya nang ligtas si Lola Susan? Maaabutan pa kaya niyang mahina ang sunog at maaapula 'yon? Mangyayari kaya ito sa ampunan na siyang tinirhan na niya mula pagkabata? 

"Atras! Guguho! Guguho!" 

Kanya kanyang atras ang ginawa ng mga tao, ang ilan ay tumakbo na papalayo sa takot na matamaan sila ng kung ano. Samantalang siya ay nanatili sa kaniyang pwesto. 

"Lola!" garalgal ang boses niyang sumigaw nang unti unting gumuho ang bahay ampunan. 

"Lola! Lola ko!" wala na siyang nagawa kundi humagulgol habang nakasalampak sa sahig. 

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now