CHAPTER 25: Moon

722 22 8
                                    

Chapter 25: Moon

My first day on work is very tiring indeed. Pero mas kaunti ang ginagawa kaysa sa school. Pero mas complicated naman ang ginagawa sa trabaho kaysa sa school.

Nag-babaon na ako ngayon ng pagkain para sa lunch ko, para maka-tipid na din ako. Sa office nalang din ako kumakain.

"Babye! Alis na ako." pagka-baba ko sa hagdan ay sinalubong ko agad ng yakap si LG at Stell. Nakasanayan ko na iyong gawin ngayon.

"Nag-mamadali ka ata ngayon?" tanong ni LG.

"Oo eh. May kailangan pa kasi akong ipasa mamaya. Sige ah, alis na ako. Ingat kayo dito." sambit ko.

"Ingat ka din." sambit ni LG.

Nilingon ko naman si Stell na naka-tingin sa akin ngayon.

"Ingat." mahina niyang sabi.

Nginitian ko siya, iyon lang naman talaga ang hinihintay ko.

Kinawayan ko pa sila sa huking pagkakataon bago ko sila talikuran. Lumabas na ako sa mansyon at dumiretso sa kotse.

Nang makarating na ako sa building ay kaunti palang ang mga tao. Medyo maaga pa kasi. Mas maganda na yung maaga.

Nang makapasok na ako sa opisina ay nandoon na agad si Andra na siyang head namin. She's a responsible head. Bagay sa kaniya ang pwesto niya.

Dumiretso na ako sa pwesto ko at agad na inayos ang mga gamit ko para makapag-simula na.

Napansin ko naman ang pwesto sa kaliwa ko. Isang linggo na kasing walang naka-upo dito. May mga gamit doon kaya sa tingin ko may naka-upo doon.

Sinimulan ko nalang ang trabaho ko sa pamamagitan ng pag-tatype sa laptop. At habang dumadaan ang oras ay parami na nang parami ang pumapasok sa opisina. Hanggang sa makumpleto na kami.

Tahimik ang buong office at naka-tuon lang kami sa kanya kanya naming trabaho nang–

"Good morning everybody! Everyone! Every each of you!" bungad ng isang panlalaking boses pero malamya iyon pakinggan.

Lahat kami ay napa-lingon sa pinto. Pumasok doon ang isang lalaki na may hand bag. Naka-suot pa siya ng scarf. Nako, alam na. Pero aaminin kong may itsura niya.

"Naka-balik ka na pala. Kamusta bakasyon?" tanong ni Andra.

"Bakasyon? Hindi bakasyon 'yon kasi stressful! My gosh. Grabe si pader, ang daming gastusin sa ospital." aniya sa paliko likong boses, umaarte arte pa siya.

"Wala ka man lang bang pasalubong?" tanong ng isa kong ka-trabaho.

"Yun na nga! Eto oh." ibinaba niya sa mesa ang tatlong box na magkakapatong na parang lalagyanan ng pizza. "Buko pie!" aniya.

Nag-react naman ang lahat ng mga kasama ko dito dahil doon. Mukang close talaga silang lahat.

"Oh, hati hati lang ah!" bilin pa nung bagong dating.

"Siya nga pala, may bago tayong ka-trabaho." sambit ni Andra tsaka niya ako nilingon. "Si Alexia nga pala. Katabi mo pala siya ng pwesto." ani Andra.

Ngumiti ako tsaka lumingon. "Hello." bati ko.

"Oh, hi!" masigla niyang sabi tsaka siya nag-lakad palapit sa akin. "Angel nga pala, but yiu can also call me Angela." humagikgik pa siya.

Inabot ko ang kamay niya tsaka ako nakipag shake hands.

"Alexia. Pwede mo din akong tawaging Lex." pagpapakilala ko.

"Lex! Welcome sa department namin, and congratulations for being my seat mate." mahina siyang tumawa. "Tsaka nga pala, ang department natin ang pinaka pinaka maayos at ang may pinaka-magagaling at maaasahan na workers. At wala ding plastikan keme dito dahil masusunog sila sa sobrang hot ko! Kaya maswerte ka kasi dito ka napunta." proud niyang sabi.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now