CHAPTER 18: Peace Offering

801 30 25
                                    

Chapter 18: Peace offering

Nag-mamadali akong bumaba sa hagdan dahil na-late ako ng gising. Mukang hindi pa ako makaka-kain ng agahan dahil male-late na ako!

"Hays, pano ba isuot 'to?" irita kong tanong sa sarili ko habang pilit na isinusuot ang necktie na hawak ko.

Dapat talaga pinag-aralan ko na kung paano mag-suot nito. Hindi naman kasi ako prepared. Kung alam kong magkakatampuhan kami ni Kuya, edi sana pinag-aralan ko na nung isang araw pa.

Dire-diretso lang akong bumababa sa hagdan habang naka-tingin sa necktie ko. Pano ba kasi 'to?

Nang maka-baba na ako sa hagdan ay doon ko ulit inayos ang necktie na 'to. Pero nag-bubuhol buhol lang. Dapat ribbon nalang 'to eh!

Pumadyak padyak ako sa sahig dahil walang nangyayari sa necktie ko. Wala akong future sa pag-susuot ng necktie.

Wala na, suko na ako. Sa school ko nalang 'to isusuot. Magpapa-tulong nalang ako kay Kylie o kaya kay Dan.

Humakbang na ako papunta sa kusina nang marinig kong mag-salita si Kuya Stell.

"Akin na." aniya.

Kusa akong huminto sa pag-lalakad. Hindi ko na sana siya papansinin dahil nag-tatampo parin ako, pero nang bahagya ko siyang lingunin ay nasa gilid ko na siya.

Pumunta siya sa harapan ko tsaka niya hinawakan ang necktie ko para ayusin iyon.

Nanatili akong tahimik at naka-tingin sa gilid ko. Iniiwasan ko siyang tignan pero bakit yung dibdib ko, hindi maka-iwas sa pagka-ramdam ng kakaibang pakiramdam.

"Mahigpit ba?" tanong niya.

Umiling ako. "H-Hindi." mahina kong sagot.

Itinuloy nalang niya ang pag-aayos sa necktie ko. Hanggang sa pagkatapos ng ilang segundo ay natapos na. Yumuko ako at pag tingin ko doon ay maayos na.

Hinawakan niya ang blazer ko ay inayos din niya iyon. Napalingon nalang ako sa kaniya dahil hindi ko 'yon inaasahan. Madalas, kating kati siya na iwasan ako.

"Ayos na. Kumain ka na." aniya tsaka siya tuluyang umalis sa harapan ko at bumalik sa upuan niya.

Nanatili akong naka-tingin sa kaniya, hindi ko parin maisip ng maayos ang mga nangyari ngayon ngayon lang.

"S-Salamat." mahinang sabi ko tsaka ko siya tinalikuran.

Napa-hawak nalang ako sa dibdib ko, ang hirap huminga. Bakit?

Dumiretso nalang ako sa kusina. May tinapay doon na may palamang strawberry jam. Kumuha nalang ako ng isa tsaka ako tuluyang lumabas sa mansyon. Pag-labas ko ay nakita ko si LG na nasa kotse na.

"Oh, bakit may baon ka pa?" tanong niya.

"Wala na akong oras para kumain eh. Male-late na ako. Babawi nalang ako mamayang lunch." sagot ko.

"Sigurado ka? Baka magutom ka sa klase."

"Ayos lang. Sanay akong magutom."

Ilang beses ko na 'yong nararanasan dati sa ampunan, sisiw nalang sakin yung hindi kumain.

Nang makarating na kami sa school ay mabilisang paalam at yakap nalang ang ibinigay ko kay LG dahil maleglate na talaga ako. May quiz pa naman kami.

Tumatakbo akong dumiretso sa room. Mabuti nalang wala pang teacher nang dumating ako.

"Late ka." bungad ni Kylie.

"Hindi pa ako late. Wala pang teacher." sagot ko.

"May assignment?" tanong niya.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now