CHAPTER 23: Rest

847 29 25
                                    

Chapter 23: Rest

Nang magising ako ay dumiretso agad ako sa banyo para mag-hilamos at mag-sipilyo. Wala nang pasok kaya ayos lang kahit na tanghali na akong magising!

Pwera nalang kung may trabaho na ako. Hay.

Pero sa ngayon i-eenjoy ko muna yung oras na hindi pa ako masyadong busy.

Pagkatapos kong ayusin ang sariki ko ay itinali ko ang buhok ko tsaka ako tuluyang lumabas sa kwarto. Medyo tanghali na akong nagising kasi napagod ako sa ceremony kahapon.

Nang maisara ko na ang pinto ay narinig ko din ang pag-sasara ng pinto ng kwarto na nasa harap ng kwarto ko. Pag-lingon ko doon ay nakita ko si Kuya Stell.

Agad akong naka-ramdam ng pagka-ilang at pagka-hiya. Pano ba naman, naalala ko nanaman yung nangyari kagabi!

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at pilit ko ding iniiwasan ang mga tingin niya. Nakakahiya talaga.

"Good morning Kuya– ay este S-Stell." bati ko sa kaniya.

Hindi pa talaga ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya lang. Ang weird.

"Good morning. Tanghali ka nang nagising napagod ka ba kahapon?" tanong niya. His voice is so soft.

Tumango nalang ako habang pasimpleng tumitingin sa ibang direksyon para lang maiwasan ang mga tingin niya.

"Baba na ako ah. Mag-lilinis pa ako eh." paalam ko sa kaniya.

"Okay, sabay na tayo." aniya.

Inunahan ko na siyang mag-lakad. I can still feel his stare at me. Ngayon lang niya ako tinignan ng ganito. Dati kasi, siya ang umiiwas ng tingin.

Kita mo nga naman, ako na ngayon ang umiiwas! The tables has turned!

Nang bumababa na kami sa hagdan ay binilisan ko ang pag-hakbang. I can't stand this awkwardness.

"Alexa." tawag niya sa akin.

"O-Oh? B-Bakit?" tanong ko habang dahan dahan paring humahakbang pababa.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at bumagal din ang pag-hakbang ko pababa. Nahalata ba niya?

"H-Hindi ah! Bakit naman kita i-iiwasan?" I laughed awkwardly.

Mabilis siyang nag-lakad pababa at inunahan niya ako. Huminto siya sa harapan ko tsaka niya ako tinignan. Ako naman ay pasimpleng lumilingon sa ibang direksyon.

"Iniiwasan mo ako. Bakit?" tanong niya.

I took a glance at him. "Ha? Hindi! Hindi nga kita iniiwasan." I gave him an awkward smile before looking somewhere else.

I heard him sighed. Umakyat siya sa step ng hagdan kung nasaan ako ngayon tsaka niya ako hinarap sa kaniya.

"Tumingin ka sakin." utos niya sa mahinahong boses.

I gulped because of the intensity of his stare.

"Alexa." tawag niya sa pangalan ko.

Bahagya akong yumuko at pinag-laruan ang sarili kong kamay. My heart is beating so damn fast!

His right hand went to my chin and he used it to pull my chin up to face him.

"Tumingin ka sakin." sambit niya ulit.

I blinked a lot of times before looking at him. His eyes were mesmerizing. It looks so beautiful. Nalulunod ako sa mga tingin niya.

He lightly tilted his head. "Bakit hindi mo ako pinapansin? Diba sabi ko sa'yo kagabi gusto ko na meron tayong normal na usapan?" tanong niya.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon