CHAPTER 35: Secret For Now

738 25 48
                                    

Chapter 35: Secret For Now

Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho namin ngayong araw ay sinamahan agad ako ni Angel sa clinic para magpa check-up. Sa totoo lang, mukang mas excited pa siya kaysa sakin.

May sari-sarili kaming kotse kaya magkasunod nalang kaming nag-drive. Siya ang nauuna dahil siya ang may alam kung nasaan ang clinic na sinasabi niya.

Pagdating namin sa clinic ay pumarada muna kami sa parking space. Nakita ko naman si Angel na nagmamadaling lumabas sa kotse niya at lumapit sa kotse ko.

Siya pa ang nag-bukas ng pinto para sa akin. "Tara na, bilis!" excited niyang sabi.

Inilahad pa niya ang kamay niya kaya hinawakan ko naman iyon at bumaba na ako sa kotse. Gentleman din pala itong si Angel. Malamang maraming magkaka-gusto sa kaniya kung straight siya.

Pero diyan siya masaya eh. Syempre irerespeto ko nalang 'yon.

Pumunta agad kami sa information desk at nag-tanong.

"Miss pwede pa bang magpa check up ngayon? Nandiyan pa ba yung doktor?" tanong ni Angel.

"Ay, sorry po sir. Kailangan po kasing magpalista muna para makapag pa-check up." sagot ni Ate.

"Nandito ba si doc bukas?"

"Yes po sir. Pwede po kayong magpalista ngayon para makapag pa-check up po bukas."

Nilingon naman ako ni Angel. "Ano? Bukas ka nalang mag pa-check up? Sabado naman bukas eh, wala tayong pasok."

Tumango ako. "Sige."

Lumingon ulit si Angel kay Ate. "Sige miss, magpapa-lista siya."

"Paki fill out nalang po yung form ma'am." anang babae tsaka niya ako binigyan ng form at ballpen.

Pagkatapos kong sulatan ang form ay ibinalik ko din agad iyon kay Ate.

"Anong oras po bukas?" tanong ko.

"Tanghali po ma'am. Mga 11 o'clock po dumadating si doktora. Number 3 po kayo sa listahan." sagot ni Ate.

Tumango ako. "Salamat."

Pagkatapos no'n ay nag-lakad na kami palabas sa clinic.

"Sunduin nalang kita bukas bessy." ani Angel.

"Ahm, gagamitin ko nalang siguro yung kotse ko. Para hindi ka na pabalik-balik." sambit ko naman.

"Sigurado ka?"

I nodded. "Thank you Angel."

He smiled. "Ano ka ba? Wala 'yon! Ikaw pa, syempre bessy kita."

Parehas kaming mahinang natawa.

"Magkaka-baby ka na ah. Be careful, baka mapano ang pamangkin ko." he lightly tapped my stomach.

"Oo naman. Mag-iingat ako lagi." kahit na sobrang delikado ng buhay ko.

"Siya nga pala. Pwede mo ba akong samahan sa mall? Bibili lang ako ng pagkain ng tuta ko sa bahay. Pasensya na ha baka may iba ka pang gagawin." tanong ko.

"Oo naman! Hindi naman ako busy. Let's go!"

Hindi na ako nag-salita pa pagkatapos no'n. Sumakay nalang kami sa kanya kanya naming kotse at pumunta sa pinakamalapit na mall.

Dumiretso kami sa shop na para sa mga pets at bumili na kami ng dog food ni Puti. Binilan ko na din siya ng ilan pang gamit niya gaya ng sabon, laruan, at kung ano ano pa.

Pagkatapos naming bumili ay nag-aya si Angel na kumain. Sa McDo naman ako nag-aya. Pumayag naman siya dahil baka daw pinag-lilihian ko yung pagkain sa McDo.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now