CHAPTER 7: Lumpia

706 26 49
                                    

Chapter 7: Lumpia

"Lex, matagal pa ba?"

Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na niya 'yang natanong.

"Malapit na." sagot ko.

Naka-upo lang siya sa silya habang naka-tingin sa akin habang nag-luluto. Piniprito ko na kasi yung mga lumpia. Ang dami nga nito eh. Parang may birthday.

"Oh eto, tikman mo." nilagay ko ang isang pirasong bagong luto na lumpiang shanghai sa platito tsaka ko iyon ibinigay kay LG.

"Dahan dahan ah. Mainit 'yan." paalala ko.

Hinipan niya muna 'yon at nang medyo lumamig na 'yon ay kumagat siya ng kaunti.

"Masarap ba?" tanong ko.

Ilang segundo pa siyang ngumuya bago siya tumango tango.

"Masarap. Mas masarap 'to kaysa sa mga nabibili ko sa labas." sagot niya.

Napangiti naman ako dahil sa sagot niya. Mabuti naman at nagustuhan niya. Talagang sinarapan ko 'yon kasi syempre kakain din si Kuya Stell. Dagdag tiwala points yung masarap kong luto.

Tinantya kong mabuti ang pag-luluto. Medyo nakaka-pagod tsaka mainit kasi ang dami talaga nung niluto ko. Pero worth it naman kasi masarap.

"Bigyan natin si Kuya Stell." sambit ko.

Kasalukuyan na kami ngayong kumakain. Nakakarami na si LG pero parang hindi parin siya nabubusog. Grabe. Ganon na pala niya ka-gudto yung lumpia.

"Yun nga ang plano ko." sambit niya tsaka siya tumayo sa silya.

Kumuha siya ng platito at nag-lagay ng limang pirasong lumpia doon. Pagkatapos ay inilapit niya 'yon sakin.

"Ibigay mo na." wika niya.

Bahagya akong umatras. "H-Ha? Bakit a-ako? Ikaw na." pag-tanggi ko.

"Bakit ko? Eh hindi naman ako yung nag-luto. Sige na, ibigay mo na. Magugustuhan niya 'yan." naka-ngiti niyang sabi.

Ilang beses pa akong kumurap tsaka ako lumunok. Mag-bibigay lang naman ako ng lumpia pero bakit grabe yung kaba ko?

"S-Sige."

Dahan dahan akong tumayo tsaka ko hinawakan ang platito. Gaya ng dati, nasa sala ulit si Kuya Stell at naka-harap nanaman siya sa napaka lupit na devices. Hindi ko alam kung anong tawag doon.

Habang palapit ako nang palapit sa kaniya ay padagdag nang padagdag ang kaba ko.

Kaya mo 'yan Alexia. Makapal muka mo diba?

Hindi ko na napansin na pinipigilan ko na pala ang hininga ko nang makalapit na ako sa mesa niya. Maingat kong inilapag doon ang platito tsaka ako lumunok.

"Ahm, meryenda ka muna Kuya." sambit ko.

Nanatili siyang naka-tingin sa mga papel na nasa mesa niya na para bang hindi ako naririnig. Medyo na-hurt naman ako doon.

"Ako yung nag-luto niyan. Masarap 'yan, nagustuhan din 'yan ni LG." dagdag ko pa.

Pero hindi parin niya ako pinansin. Para lang akong hangin na hindi niya nararamdaman o naririnig.

Bumuga nalang ako ng hangin tsaka ako nag-baba ng tingin.

"Marami pang ganyan sa kusina. Pwede kang kumuha doon kung gusto mo pa."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinalimuran ko na din siya. Mukang wala naman siyang balak na pansinin ako. Naiintindihan ko naman 'yon. Nag-disimula palang ako sa misyon ko na kuhanin ang tiwala nila. Kaya pag-bubutihin ko pa.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now