CHAPTER 39: Care

910 22 32
                                    

Chapter 39: Care

Stell's Point of View

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok nalang ako dahil sa tanong na binanggit ni Alexa. Kitang kita ang pagka-inosente at pagka-lito sa muka niya.

"Sino ka?" luminga siya sa paligid. "Asan ako?" tanong niya sa malambot na boses.

Hindi ako makapag salita. Nanuyo ang lalamunan ko at walang lumalabas na boses sa bibig ko. Ang dami nang nangyari, bakit may kasunod nanaman?

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya na parang bigla siyang may naalala.

"Si Ate Bernadeth, kailangan ko nang bumalik sa ampunan." kabado niyang sambit sa sarili niya.

Sinubukan niyang bumangon mula sa pagkakahiga pero isang daing ang ginawa niya. Napahawak din siya sa tiyan niya at bumalik nalang siya ulit sa pagkakahiga.

"Aray, ang sakit." daing niya.

"Wag ka munang gumalaw. Sariwa pa yung mga sugat at pasa mo sa katawan." sambit ko.

Tumingin siya sa akin. "Sino ka po ba? Nasaan ako? Anong nangyari sakin? Bakit ang sakit ng katawan ko? Bakit may mga sugat ako?" naiiyak at sunod sunod niyang tanong.

Hindi ko siya magawang sagutin. Gulat parin ako dahil sa mga pangyayari.

"Kailangan ko nang bumalik sa ampunan, siguradong pagagalitan nanaman ako ni Ate Bernadeth." halata sa muka at sa boses niya ang takot at kaba. Nakikita ko din ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

"Alexa..." tawag ko sa pangalan niya.

Nag-tataka siyang tumingin sa akin. "Po? Alexia po ang pangalan ko." sambit niya.

Yumuko nalang ako at ipinikit ang mga mata. Pilit kong pinigilan ang sarili ko sa pag-luha dahil sa mga nangyayari.

Muli ko siyang tinignan. "Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" tanong ko.

Nakita ko ang pag-lunok niya. "S-Sino po ba kayo?" tanong niya pabalik.

Kitang kita sa muka niya ang pagiging mahinhin at inosente. Katulad na katulad ng ekspresyon niya ngayon ang ekspresyon niya noong una ko siyang nakita.

Hindi ko na napigilang maluha. Itinakip ko nalang ang mga palad ko sa muka ko tsaka ako mahinang humikbi. Ang dami nang nangyari kay Alexa, kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?

"Hala, bakit po kayo umiiyak? Wag po kayong umiyak." naramdaman ko ang pag-haplos niya sa likod ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Nag-ingat parin ako dahil puno siya ng pasa at sugat sa katawan.

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya nang yakapin ko siya. Pero kalaunan ay unti unti din niya akong niyakap pabalik. Ang isang palad niya ay nasa ulo ko at ang isa naman ay humahaplos sa likod ko.

"Tahan na po." mahina niyang sabi.

Nanatili kami sa ganong pwesto sa loob ng halos isang minuto. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya, pero nasasaktan din ako dahil wala siyang ideya sa mga nangyari at mga nangyayari.

Bumitaw ako sa yakap at sinapo ko agad ang mag-kabila niyang pisngi. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" tanong ko.

Tumango siya. "Ayos lang po ako. Pero, medyo kumikirot yung mga sugat ko." sagot niya.

Sa itsura niya ay muka siyang naguguluhan at naaawa habang naka-tingin sa akin. Napa-ngiti nalang ako dahil sa kainosentehan ng itsura niya.

"Wag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Sa ngayon, diyan ka lang muna. Wag ka munang gumalaw galaw. Tatawagin ko lang si Vanessa para tingnan ka." wika ko.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Onde histórias criam vida. Descubra agora