CHAPTER 47: Weakness

939 27 42
                                    

😯😮😯😮

Chapter 47: Weakness

Stell's Point of View

Nagising ang diwa ko dahil sa pag-iyak ni Kia. Nang imulat ko ang mga mata ko ay naabutan ko si Alexa na papunta na sa crib. Binuhat niya agad si Kia tsaka hinele.

Tumingin ako sa bintana, madilim pa. Nang tignan ko sa wall clock ang oras ay alas kwatro palang ng madaling araw.

Bumangon nalang din ako dahil hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nakikitang tulog si Alexa at Kia.

Naupo si Alexa sa kama tsaka niya inayos si Kia para padedehin. Agad namang tumigil si Kia sa pag-iyak.

"Sige na, matulog ka na. Padededehin ko lang si Kia tapos matutulog na ulit ako." ani Alexa.

Nag-hikab ako tsaka ako tumagilid ng higa paharap sa kanila. Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi parin ako matutulog. Hihintayin ko silang matapos.

Medyo nasanay na din kami ni Alexa sa pag-gising ng gabi o madaling araw dahil kay Kia. Kahit naman kasi hindi siya umiiyak ay tinitignan parin namin siya parati.

Parehas kaming walang maayos na tulog dahil sa pag-babantay kay Kia. Bukod sa tinitignan namin ang lagay niya, pinapakiramdaman ko din ang paligid kung may mag-tatangka nanamang ipahamak ang mag-ina ko.

Naramdaman ko ang pag-higa ni Alexa. Sumilip ako at nakita ko siyang naka-tagilid ng higa habang pinapadede parin si Kia. Naka-unan si Kia sa braso niya at naka-pikit din ang mga mata niya.

Nag-hintay ako ng ilang minuto para matapos sila. Nang imulat ko ang mga mata ko ay hindi na gumagalaw ang bibig ni Kia, mukang tapos na siya. Si Alexa naman ay mukang naka-tulog na. Napa-buga nalang ako ng hangin. Naaawa ako sa asawa ko. Hindi na siya nakakapag-pahinga ng maayos.

Maingat kong binuhat si Kia tsaka ko inayos ang damit ni Alexa. Hinele ko muna si Kia ng ilang minuto para masigurong mahimbing na ang tulog niya.

Maingat ko siyang ibinaba sa kuna. Tinignan ko pa ulit siya ng ilang minuto bago ako mahiga sa kama. Nang tabihan ko si Alexa ay nagising naman siya.

"Si Kia?" tanong niya habang lumilinga linga sa paligid.

"Nandoon na siya sa kuna. Napatulog ko na. Matulog ka na rin." sagot ko.

Naka-hinga naman siya ng maayos dahil doon. Tumalikod siya sa akin para maharap niya ang kuna kung nasaan si Kia. Hindi talaga siya mapakali hangga't hindi niya nakikita si Kia.

Niyakap ko nalang siya mula sa likod. Naramdaman ko naman ang pag-haplos ng palad niya sa kamay ko. Mas lumapit ako sa kaniya tsaka ko hinigpitan ang yakap ko.

Dahil na rin siguro sa puyat at pagod ay parehas kaming naka-tulog agad.

...

Nang magising ako ay maliwanag na sa paligid. Nang lingunin ko si Alexa ay karga niya si Kia habang hinehele.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko habang bumabangon.

"Hindi naman. Pinalitan ko lang yung diaper ni Kia." sagot niya.

Nag-hikab ako tsaka ako mas lumapit sa kaniya. "Akin na si Kia. Matulog ka pa, puyat ka nanaman. Ako munang mag-aalaga sa kaniya."

"Hindi na, ayos lang-"

"Mahal, kailangan mong mag-pahinga. Sa'yo kumukuha ng lakas si Kia. Hindi ka pwedeng magkasakit."

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon