CHAPTER 44: Vanish

754 29 59
                                    

Chapter 44: Vanish

Dan, or should I say Damion, laughed at me but I can tell that it was a nervous laugh.

"What are you gonna do now? Isang sabi ko lang sa pangalan mo, mata sa mata, tuluyan ka nang mawawala dito sa mundo." I said smirking.

"Oh great. Matatakot na sana ako pero hindi naman iyon ang pangalan ko." naka-ngisi niyang sabi.

I raised an eyebrow. "Hmm? Really. Let's try it then."

Nilapitan ko siya tsaka ko siya tinignan sa mata.

"Da..."

Hindi ko pa natatapos sabihin ang pangalan niya ay pumikit na siya. Napa-ngisi nalang ako.

"Scared, aren't we?"

He opened his eyes then shouted. "What do you want from me?!"

"I want you to die." sagot ko agad.

"Kill me then! Just f*cking kill me! But it won't erase the fact that your brother is still dead. And you can't bring him back by killing me." he laughed demonic.

Nanggigil ako sa kaniya dahil doon. Inapakan ko ulit ang leeg niya.

"You know, I wanted to kill you so bad." I tilted my head. "Pero hindi ko ibababa ang sarili ko sa istado mo para lang gawin 'yon. I don't want you to die yet."

Mas diniinan ko ang apak sa leeg niya. "I want you to suffer."

I kicked his face. Hard enough to make his lips bleed. He just laughed. Kaya malakas ko ding sinipa ang upuan niya dahilan para pumaikot ang upuan. Naka-harap na siya ngayon sa sahig.

Gustong gusto ko talaga siyang bugbugin. Pero hindi naman ako lumaki na ginagawa ang mga bagay na 'yon. Kaya hahayaan ko nalang sila na gawin ang gusto nila.

Lumayo nalang ako sa kaniya dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan ko siyang apakan sa leeg hanggang sa hindi na siya humihinga.

Nag-lakad nalang ako pabalik sa pwesto nila Stell. Panay naman ang sigaw at pag-palag ni Damion sa upuan.

Agad akong hinawakan ni Stell sa kamay. Nang tignan ko siya ay punong puno ng pag-aalala ang mga mata niya.

"Ayos lang ako." I said with a reassuring tone.

Tinignan ko silang lahat. "Go." senyas ko sa kanila.

Nilingon ko ulit si Stell tsaka ko siya sinenyasan na lapitan si Dan. Alam ko na galit na galit din siya kay Dan. Pagkakataon na niya 'to para makabawi kahit na isang suntok man lang.

Sandali pa siyang tumitig sa akin bago siya tuluyang bumuga ng hangin at mag-lakad palapit kay Dan.

He flipped the chair to make Dan face him. Itinukod niya ang isa niyang tuhod sa sahig tsaka niya tinignan si dan.

"Nag-pipigil lang ako ng galit ko dahil ayokong gumawa ng karahasan sa kahit kanino. Pero sa totoo lang, kanina pa ako gigil na gigil sa'yo." seryosong sabi ni Stell. Naka-kuyom din ang mga kamay niya.

"Hindi ako ganon kasama para hayaan silang patayin ka, pero hindi rin ako ganon kabait para pigilan sila." dagdag pa niya.

Nagulat ako nang bigla nalang niyang malakas na sinuntok si Dan sa muka.

"Para 'yan sa ginawa mo kay LG." he said.

Then he punched him again. "Para 'yan sa pananakit mo kay Alexa."

And again. "At para 'yan sa aming lahat na pinerwisyo mo."

Dahan dahang tumayo si Stell tsaka niya pinagpag ang mga kamay niya, inayos din niya ang suot niyang damit. Nanatili namang naka-ngisi di Dan. Talagang sinasadya niyang mang-inis.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now