CHAPTER 2: Locked

852 28 20
                                    

Chapter 2: Locked

Nakita ko ang lahat ng nangyari sa monitor. Nakita ko kung paano sila lumabas sa mansyon, sa bakod, at kung paano sila nag-lakad sa kalsada.

Nakita ko lahat.

Naka-hinga ako nang maluwag nang maihatid ni LG nang maayos ang babae sa labas. Hindi dahil sa nag-aalala o may pakealam ako sa batang 'yon, kundi dahil nag-aalala ako na baka matunton kami dito ng mga tao.

Hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko kay LG pag ipinag-kalat ng batang 'yon ang nakita niya dito sa loob ng mansyon. Ilang daang taon na kaming nandito. Hindi ako papayag na masira pa ang taimtim naming pamumuhay nang dahil lang sa isang mortal.

Umayos ako ng upo nang marinig ko ang pag-sara ng pinto sa back door. Mukang kailangan kong pag-sabihan ang batang 'to.

"LG." tawag ko sa kaniya sa mababang boses.

Huminto ang pag-yabag ng mga paa niya.

"Wag mo nang uulitin yung ginawa mo. Hindi mo ba alam na napaka-laking bagay ng pagpapa-pasok ng mortal sa pamamahay ko? Paano nalang kung mapahamak tayo? Ako? Ikaw?"

Bumuga siya ng hangin. "I'm sorry. Hindi na mauulit." gaya ng dati, malambot parin ang boses niya.

"Siniguro mo bang hindi niya ipag-sasabi sa iba ang mga nakita niya dito sa loob?" tanong ko.

"Don't worry. Kinausap ko siya nang maayos bago ko siya iwan." sagot niya.

Hmm. Mukang ginamit niya ang kakayahan niya. "Mabuti naman." mabuti nalang at naisipan niyang gumamit ng–

"And no, I didn't used any magic."

"Ano?!"

Hindi ko na napigilang tumayo at lingunin siya. He's being so stubborn! I sighed. Pati tuloy ako ay napapa-ingles na dahil sa kaniya.

"Pag may nangyaring hindi maganda LG, ibabalik nalang kita sa Wunsk. Tutal kaya ko naman mag-isa ang trabaho ko." may diin kong sabi.

Ngumiti siya ng mapait tsaka siya nag-baba ng tingin. "Sorry..." bulong niya.

Dumiretso na siya sa pag-akyat sa hagdan. Na-guilty tuloy ako sa sinabi ko. Sobra naman ata ang nasabi ko sa kaniya.

Hindi ko kinakayang magalit o pagalitan si LG dahil napakabait niyang nilalang. Lagi siyang naka-ngiti, malambot ang boses at mahinhin gumalaw. Para siyang isang babae ang galaw na maskulado ang katawan. Pero nag-iiba ang katauhan sa tuwing seryoso ang usapan.

Wala pa siyang nagawang mali o hindi ko gusto mula nang dumating siya dito. Lahat din ng inuutos ko, sinusunod niya, walang palya. Para sa akin, siya na ang pinaka the best na kanang kamay na meron ako.

Tho siya lang naman talaga ang naging kanang kamay ko.

Bumuga ako ng hangin tsaka ako muling naupo sa swivel chair. Mukang kailangan ko pang humingi ng tawad. Hindi pa naman ako sanay sa ganoon.

Tumingin nalang ulit ako sa monitor at nanood. Sa araw araw na pamumuhay ko dito sa mundo, wala akong ginawa kundi ang panoorin ang mga tao.

"Sana maka-pasa ako mamaya sa test namin. Ayokong mawala sa honor list. Paniguradong sandamakmak na pangaral nanaman ang maririnig ko galing kay Mommy."

Umirap ako sa kawalam tsaka ako bumuga ng hangin. Sana. Mga salitang paulit ulit kong naririnig araw araw. Bakit ba hindi nawawalan ng sana ang mga mortal? Bakit ba napaka-rami nilang hiling?

"Sana tumama yung taya ko kanina sa lotto. Tignan ko lang kung sabihan pa ako ng kung ano ano ni kumare pag yumaman ako."

Bakit ba ang hilig makipag-mataasan ng mga mortal?

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Onde histórias criam vida. Descubra agora