CHAPTER 4: Pity

717 31 0
                                    

Chapter 4: Pity

Naka-tutok lang ang paningin ko sa monitor habang pinag-mamasdan ang babaeng kanina pa umaaligid sa bakod ng mansyon. Ano nanaman kaya ang balak niyang gawin ngayon?

Ang hirap paniwalaan na marami siyang problema dahil mukang hindi naman siya problemado. Iyang mukang 'yan? Problemado?

Base sa mga galaw niya, nag-hahanap siya ng pwedeng pasukan. Bakit nanaman kaya? Ano nanaman ang kailangan niya sa amin?

Nag-salubong ang kilay ko nang makita ko siyang pumasok sa isang butas sa gilid ng gate. Aba, hindi ko alam na may butas pala doon.

"LG!" tawag ko.

Ilang segundo lang ang nag-daan at nasa gilid ko na agad siya.

"Siguraduhin mo lang na gagawan mo ng paraan para maayos yung butas na 'yon. Baka may ibang tao pa ulit na mag-tangkang pumasok sa bakuran natin." utos ko.

Inilapit niya ang muka niya sa monitor. "Teka, sino 'yun?" tanong niya.

"Si Lex? Anong ginagawa niya dito?"

Iyan nga din ang tanong na nasa isip ko ngayon. Anong ginagawa ng isang mortal sa lugar ko.

Inoobserbahan lang namin ang galaw niya at kung ano ang gagawin niya. Di nag-tagal ay nakarating na siya sa main door ng mansyon.

Kumakatok siya doon at sumisigaw.

"Ingay." reklamo ko tsaka ako umirap sa kawalan.

Really? Hindi talaga siya titigil? Ano ba talagang kailangan niya?

"Tell her to leave." utos ko kay LG.

"On it." pagkasabi niya no'n ay nag-lakad na agad siya palabas ng mansyon.

Pinanood ko sa monitor ang mga susunod na mangyayari. Nang makarating na si LG sa kinalalagyan nung babaeng makulit ay bigla siya nitong niyakap.

Okay, what was that?

Nag-salubong ang kilay ko dahil sa tagpong iyon. Nakita ko din ang pagka-gulat ni LG. Why is she being like that?

Naririnig ko din ang lahat ng pinag-uusapan nila. At masasabi kong napaka-tigas nga ng ulo ng batang 'yon.

"Marunong akong mag-laba, mag-luto, mag-linis, mag-plantsa, kung ano ano pa. Pwede ko kayong tulungang linisin yung mansyon. Pwede ko kayong ipag-luto araw araw. Pwede ko rin kayong ipag-laba at ipag-plantsa. Libre lang, wag niyo na akong bayaran. Basta patuluyin niyo lang ako."

Umirap nalang ako sa kawalan. Bakit ba ang tigas ng ulo niya? Siya ang nag-layas. Siya ang nag-dala sa sarili niya sa sitwasyon niya ngayon. Tapos idadamay pa niya kami?

I see that LG still tried to persuade her to leave but she's just so stubborn. Ipinipilit niya ang sarili niya at hindi siya nakikinig kay LG. We don't need a maid. Hindi namin kailangan ng taong gagawa ng gawaing bahay dahil kaya naman namin iyon.

She went to the front door then she sat down. Talagang naka-krus pa talaga ang braso niya.

Nararamdaman kong naaawa si LG sa kwento ng batang iyon pero kahit na gaano pa siya ka-problemado, hindi siya pupwede dito. Nag-iingat lang ako. Hindi kami pwedeng makihalubilo sa mga mortal, at ganon din ang mga mortal sa amin.

"Hindi ako aalis dito."

Nakikita kong sumusuko na din si LG dahil hindi na niya kinakaya ang tigas ng ulo ng batang 'yon.

Bumuga nalang ako ng hangin tsaka ko sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Nai-stress ako dahil sa batang 'yan.

'Di nag-tagal ay sumuko na si LG at iniwan na niya sa labas ang batang iyon. Matigas talaga siya. Hindi talaga siya nag-patinag. Tignan natin kung hanggang saan siya tatagal.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon