CHAPTER 36: Accept Or Reject?

792 34 23
                                    

Chapter 36: Accept Or Reject?

Hindi agad ako nakatulog nung mga nakaraang gabi dahil punong puno ang isip ko. My mind was flooded by unending thoughts about Stell and our baby.

Iniisip ko kung paano ba ako mapapatawad ni Stell. Kung ano bang dapat kong gawin para bumalik na kami sa dati. Pero mukang mahihirapan ako.

Hindi nga niya ako kinakausap eh. Ni-hindi nga siya lumalabas sa kwarto niya para kumain man lang. Lalabas lang siya kung kailan tulog na ako o kaya wala ako dito sa bahay. Halatang iniiwasan niya ako.

I wanted to keep our baby a secret from him but I wanted to tell him too because I want a whole family for my child. At isa pa, may karapatan din siyang malaman bilang ama ng dinadala ko.

I was just contemplating about telling him that I'm pregnant because he might not accept the child, and it would hurt me. But it would hurt my child more in the future.

Iisip ako ng paraan para mapatawad ako ni Stell. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. I will give my child a whole family. And that's final.

Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil sa puyat kagabi. Antok na antok tuloy ako ngayon pagka-gising ko. Nakakatamad pumasok sa trabaho.

Bumaba na ako sa kusina kasama si Puti. Siya muna ang una kong pinakain bago ako mag-ayos ng sarili kong kakainin.

Pagkatapos ko siyang handaan ng makakain niya ay inasikaso ko naman ang sarili ko. Simula ngayon, hindi ko muna kukulitin si Stell hangga't wala pa akong naiisip na paraan para mapatawad niya ako.

Hindi sapat yung simpleng salita at usap lang para magkaayos kami. Kaya iisip pa ako ng ibang paraan.

Hindi ako galit sa kaniya. Wala akong karapatang magalit dahil may dahilan naman siya para magalit sa akin. Naiintindihan ko naman.

Medyo tinatamad ako ngayon kaya pritong itlog nalang yung lulutuin ko. Para easy.

Nag-painit na ako ng kaunting mantika sa kawali at inihanda ko na ang mga itlog. Sunny side up nalang ang lulutuin ko dahil mas gusto ko 'yon kaysa sa scrambled egg.

Nang mainit na ang kawali ay binasag ko na ang itlog sa mismong kawali. Itinapon ko na ang balat at binantayan ang itlog. Lumapit ako sa kawali para amuyin ang niluluto ko. Nakasanayan ko na kasi iyong gawin tuwing nag-luluto ako.

Pero parang bigla nalang bumaliktad ang sikmura ko nang maamoy ko iyon. Hindi ko nagustuhan ang amoy kaya dali dali akong lumapit sa lababo para sumuka.

Here we go again. Why is pregnancy this hard? Even the smell of eggs is making me throw up.

Pagkatapos kong ilabas ang lahat ng ilalabas ng bituka ko ay hinugasan ko sang bibig ko at nag-mumog din ako. Mukang kailangan kong mag-luto ng ibang ulam ngayon.

Nang lingunin ko ang kawali ay napansin ko ang bulto ng tao sa gawi ng mesa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo doon si Stell habang naka-tingin sa akin.

I suddenly felt nervous. Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at itinuon ko nalang ang pansin ko sa ginagawa ko.

Did he see everything? Nakita ba niya akong sumusuka? Paano kung mag-hinala siya na buntis ako?

Lumunok nalang ako dahil sa mga tanong na pumapasok ngayon sa isip ko. Hindi ako huminga nang hanguin ko na ang itlog na niluto ko. Tumingin nalang ulit ako sa freezer ng iba pang pagkain.

Napansin ko naman si Stell na nag-lalakad na pabalik sa hagdan. Mukang hindi niya nagawa ang gagawin niya dapat.

Sana naman hindi siya mapa-isip ng kung ano dahil sa pag-susuka ko.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon