CHAPTER 14: Newbie

656 23 12
                                    

Chapter 14: Newbie

Naupo ako sa silya na nasa gilid ng bintana. Naupo naman si Dan sa likod ko. Wala pa akong katabi sa upuan ngayon. Marami pa rin kasing bakanteng upuan. Ang ganda ng classroom namin. May dalawang aircon pa!

Ang iba ko namang kaklase ay may mga kaibigan at kausap na. Sana may tumabi din sa akin para magkaroon na din ako ng kaibigan.

Naging tahimik lang ako habang nag-mamasid sa paligid. Kakaiba ang pakiramdam ngayong unang beses ko palang mararansang mag-aral.

Ilang minuto pa akong nag-hintay nang may isang babae na naupo sa tabi ko. At sa tingin ko ay mag-isa lang din siya gaya ko.

"Hello." bati ko sa kaniya nang maka-upo na siya sa tabi ko. Binati din naman niya ako.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Kylie. Ikaw?"

"Alexia. Pero pwede mo akong tawaging Lex."

Tumango siya. "Lex, saang school ka nanggaling?" tanong niya.

Medyo nag-alangan akong sagutin ang tanong niya dahil nakakahiya naman ang status ko.

"Uhm, ngayon lang kasi ako mag-aaral." alanganin kong sagot.

Medyo naguluhan naman siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Never kasi akong nakapag aral, ngayon lang." paliwanag ko.

"College ka na agad?" gulat niyang tanong.

Tumango ako. "Nag-take ako ng extreme acceleration test tsaka interview."

Muka siyang gulat dahil sa sinabi ko. "And you passed the test?"

Tumango ako.

"Wow. Ang alam ko kaunti lang ang pumapasa sa test na 'yon. You're a genius." aniya.

Nahihiya akong tumawa tsaka umiling. "Nako, hindi. Nakapag-review lang." tsaka medyo inspired at natatakot mag-fail at the same time.

"Still, ang galing mo parin. Good job." aniya.

"Salamat."

"Oh well, I've never met someone like you. I mean, hindi kasi ako gaya mo na trip na trip mag-aral. For me, basta pasado, ayos na. Atleast hindi bagsak." sambit niya sa cool na boses.

Mahina nalang akong natawa dahil sa sinabi niya. Muka siyang mayaman dahil sa pananalita niya. At muka din naman siyang friendly. Sabagay, ano pa bang aasahan ko eh private school 'to?

"So, bago ka lang dito diba? Wala kang kakilala?" tanong niya.

"Uhm, nakilala ko kanina si Dan nung papasok palang ako. Ayun siya oh." tinuro ko si Dan na naka-upo sa likuran ko. Naka-tingin siya sa bintana at parang may iniisip, hindi tuloy niya napansin na pinag-uusapan na namin siya ni Kylie.

"Hindi ko pa siya nakita dito before. But he's cute." komento ni Kylie.

Parehas kaming mahinang natawa dahil sa sinabi niya.

"Ikaw ba? Saang school ka nanggaling?" ako naman ang nag-tanong.

"Buong buhay ko dito na ako nag-aral." bored niyang sagot.

Ang galing naman. Iba talaga pag mayaman.

Sabay kaming lumingon sa pintuan nang may pumasok doong apat na babae na malakas na nag-tatawanan. Hindi lang pala kaming dalawa ang napa-lingon doon kundi lahat kaming nasa room. Ang lakas kasi ng boses nila eh.

Tumingin ang apat sa aming lahat. Naka-taas pa ang isang kilay ng isa sa kanila. Ang taray nila tignan.

"Oh? Anong tinitingin tingin niyo diyan?" mataray na sabi ng isa sa kanila.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now