CHAPTER 29: Busy? Be Ready

1.5K 36 114
                                    

⚠️️: 👫👩‍❤️‍💋‍👨📚🐕♿

Chapter 29: Busy? Be Ready

Having a lot of work for the past weeks is exhausting. I wanted to rest, to lie on the bed the whole day, to eat, and to think about myself for a while.

Gaya nga ng sabi ni Angel, naging busy kami ngayon this month. At ilang linggo na kaming busy! Wala na tuloy ako halos oras kay LG at Stell. Feeling ko nga nag-tatampo na sila sa akin eh.

Nasa balcony ako ngayon habang kaharap ang laptop ko, ano pa nga ba? Halos puro laptop at papel nalang lagi ang kaharap at kasama ko sa araw araw. Phew.

Hapon palang kaya may liwanag pang nangagaling mula sa langit. Masarap tumambay dito kasi kitang kita yung sunset. Medyo nakaka-gaan ng pakiramdam.

Napansin ko ang bulto ng tao na paparating dito sa balcony, matangkad siya at hindi ganoon ka-puti kaya alam ko na agad na si Stell iyon.

Tumabi siya sa akin tsaka niya ako tinignan. Hinayaan ko nalang siya at nag-patuloy nalang ako sa ginagawa ko.

"Busy ka parin?" tanong niya kalaunan.

"Hm-mm, marami kasing ginagawa eh." sagot ko nang hindi siya nililingon.

Natahimik siya sa loob ng isang minuto. Palipat lipat lang ang tingin niya sa akin at sa ginagawa ko.

"Kailan ka hindi magiging busy?" tanong niya.

"Hmm, maybe next month?" sagot ko.

"Next month? Eh ang tagal pa no'n." reklamo niya.

I sighed then looked at him. Hinawakan ko ang pisngi niya tsaka ko siya nginitian. He's so cute whenever he's asking me if I'm busy.

"Babawi ako, promise." sambit ko.

"Ilang beses mo nang sinabi 'yan." umiwas siya ng tingin tsaka siya bumuga ng hangin.

Aww, nag-tatampo siya. "Babawi na talaga this time. Promise. Sa weekends, hindi na ako gagawa ng trabaho. Busy lang kasi talaga ngayon eh. Sorry." I lightly pouted my lips to make me even more cute.

Naka-iwas parin ang tingin niya sa akin. Hala, hindi na niya ako pinapansin. Galit siya sa akin?

Nag-salubong ang kilay ko at bumaliktad din ang labi ko sa itsurang nalulungkot. "Sorry na?" I said with a soft voice.

Hindi parin siya umimik. Galit ba siya sa akin?

Kaya niyakap ko nalang siya tsaka ko isinubsob ang muka ko sa leeg niya. "Sorry na, babawi naman kasi talaga ako eh. Sorry na, wag ka nang magalit." I sobbed as I said those words.

Even I don't want to be this busy. Kung kaya ko lang tapusin lahat ng isang araw, tatapusin ko na talaga. Pero hindi talaga kaya ng oras ko. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil ang tagal kong naka-babad sa laptop.

Naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin pabalik. Hinawakan niya ang ulo ko tsaka niya ako hinarap sa kaniya. I am still pouting my lips because I can't help it.

Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. "Hindi ako galit. Wag kang umiyak. Hindi ako galit." nag-aalala na ang boses niya.

"Galit ka!" sambit ko.

"Hindi nga ako galit. Medyo nag-tatampo lang ako." aniya.

"Pero galit ka habang nag-tatampo." pamimilit ko.

Bumuga siya ng hangin tsaka niya ako dinampian ng halik sa noo kahit na may suot siyang panakip sa muka niya.

"Hindi nga ako galit, promise. Gusto ko lang ng atensyon mo. Masyado ka kasing busy ngayon, pero naiintindihan ko naman yung trabaho mo." aniya sa seryosong boses. "Wag ka nang umiyak. Sorry, akala mo tuloy galit ako sa'yo. Hindi ako galit. Hinding hindi ako magagalit sa'yo." dagdag pa niya.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora