CHAPTER 12: Questions

653 27 16
                                    

Chapter 12: Questions

Sa wakas ay natapos na ako sa pag-luluto ng sandamakmak na lumpia ni LG. As in sandamakmak talaga! Napaka-dami! Ang dami niyang ipinaluto. Nakaka-pagod.

Nasa balcony kami ulit kami ngayon habang kumakain ng lumpiang niluto ko. Nakuha na niya ang gusto niyang lumpia, ako naman ngayon dapat ang maka-kuha ng gusto ko.

"Sasagutin mo na yung mga tanong ko ah? Ayan na yung lumpia mo eh." sambit ko tsaka ako kumagat ng lumpia.

"Sige lang. Ano ba yung mga tanong mo?" sagot niya.

"Ayos lang kahit marami?"

Tumango lang siya.

Yes! Marami na akong malalaman ngayon tungkol sa kanila.

"Unang tanong. Tungkol sa trabaho ni Kuya Stell, paano niya nahahandle yung napakarsming tao sa buong mundo?" tanong ko.

Mahina siyang natawa. "Hindi naman kasi niya sakop yung buong mundo. Hindi lang siya ang nag-iisang wish granter sa mundo. Marami sila. At bawat wish granter, bilang na tao lang ang sakop nila. For example, uhm, one thousand people every one wish granter? Or five thousand? I don't know." paliwanag niya.

Tumango tango ako. Nakaka-mangha naman. Marami pala silang wish granter. Nasaan kaya yung iba?

"Eh ikaw? Hindi ka ba wish granter?" tanong ko ulit.

Umiling siya. "I am not a wish granter. Right hand slash secretary slash katulong slash utusan lang ako ng wish granter."

Mahina naman akong natawa dahil sa sagot niya.

"Every wish granter deserves a loyal right hand. Pero depende sa wish granter kung gusto nila ng kanang kamay. Actually, ayaw talaga ni Kuya Stell ng kanang kamay dati. Pero pinilit lang siya ni Hope."

"Hope?" kunot noo kong tanong.

"Hmm. He's the boss of all the bosses in Wunsk."

"Nasaan siya?" tanong ko ulit.

"Nasa Wunsk."

"Saang lugar ba yung Wunsk?"

"Hindi ko alam na napaka-dami mo palang itatanong sa akin." umiling iling pa siya.

Kumuha ako ng lumpia tsaka ako kumagat doon. "Sabi mo sasagutin mo lahat ng tanong ko. Nag-promise ka. Marami pa nga yung mga tanong ko eh. Konti palang yung nasasagot mo."

Tumango nalang siya. "Okay okay. Hindi tuloy ako maka-kain nang maayos." reklamo niya. "Wunsk is the home of all wish granters. Doon kami nanggaling. 'Yon lang ang maisasagot ko sa tanong mo."

Okay, may ilan nang nasagot. Dapat pala may listahan ako ng mga tanong para wala akong makalimutan.

"Okay! Next question. May kahinaan ka din ba gaya ni Kuya Stell? Kasi diba si Kuya, bawal makita ng mga mortal yung muka niya. Eh ikaw?" tanong ko.

Sandali pa siyang nag-isip tsaka siya umiling. "No, I don't have one."

"You see, we are immortals, means we don't die. But we can still die. We are living inside a mortal's body, it means that we have to live like a normal human being. We need to eat, we need to sleep, we need to take care of ourselves." umayos siya ng upo. "Kung itatanong mo ang sitwasyon ko, parang normal na tao lang ako. Pwede akong mamatay sa sakit, pwede akong mamatay dahil binaril ako o sinaksak o kung ano man. Nabubuhay ako hangga't wala pang sapat na dahilan ng pagkamatay ko."

"Tungkol naman kay Kuya Stell. You know Lex, every wish granter has a weakness. For Kuya, his weakness is seeing his face by a mortal being. Patuloy lang siyang mabubuhay hangga't hindi nangyayari ang kahinaan niya. Iba naman ang kahinaan ng iba pang wish granter. That is why we are living for a hunder years now. Kasi wala namang nangyayaring dahilan para mawala kami." mahina siyang natawa. "Si Kuya lang pala ang hundred years nang nabubuhay, nasa 99 thousand palang ako eh."

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now