CHAPTER 19: Bait

729 21 19
                                    

Chapter 19: Bait

Stell's Point of View

Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko kanina nang lapitan at yakapin niya ako. Kaya unti unti kong inangat ang braso ko para yakapin din siya pabalik.

Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya. Gusto ko siyang protektahan. Gusto ko siyang ilayo sa anumang problema namin. Pero dahil napalapit na siya sa amin at importante na din siya para sa amin, mas lalo siyang nalalapit sa kapahamakan.

Gusto kong maramdaman niya na ligtas siya pag kasama niya ako. Kaya mahigpit ko siyang niyakap at dinampian ng munting halik sa ulo. Hindi ko din alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para gawin 'yon.

Pero hindi ako nag-sisisi sa ginawa ko.

Naramdaman ko ang lalong pag-lalim pa ng nararamdaman ko para sa mortal na 'to. At hanggang ngayon, hindi ko parin alam, hindi ko parin maintindihan kung ano ang tawag dito.

Masaya, masarap sa pakiramdam. Pero nababahala din ako. Nababahala ako sa mga pwedeng mangyari sa amin sa mga darating pang araw.

...

Alexia's Point of View

Hanggang sa magising ako ay stuck parin sa utak ko ang tanong na kahapon pa nasa isip ko. Ano ba 'yan, kasi naman eh.

Hindi naman siguro masama kung maging crush ko si Kuya Stell diba? I mean, hindi naman kami magka-ano ano. Edi ayos lang, hehe.

Pati ba siya, kasali sa no boys rule? Napa-buga tuloy ako ng hangin dahil sa isiping iyon. Wag naman sana.

Naisip ko kasi, mabait naman si Kuya, medyo masungit nga lang. Protective din siya sakin. Tapos yung tungkol sa napkin, ihh! Grabe, kinikilig ako.

Walang laban yung mga gwapong lalaki sa school ko. Kay Kuya Stell pa nga lang na hindi ko pa nakikita yung itsura, kilig na kilig na ako. Paano pa kaya kung makita ko na yung muka niya?

Sana nga makita ko din yung muka niya soon, kahit isang beses lang sa buhay ko. Bakit naman kasi ganon pa ang weakness niya? Pwede namang iba nalang.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko. Mabuti nalang maaga akong nagising, nag-set kasi ako ng alarm.

Nang maisara ko na ang pinto ko at umikot ako ay nakasalubong ko si Kuya Stell. Kakalabas lang din niya sa kwarto niya at bagong ligo lang din siya. Ang bango niya talaga.

Naiilang akong ngumiti. Bigla kasing bumalik sa utak ko yung nangyari kagabi. Hindi parin talaga ako makapaniwala.

"G-Good morning Kuya." bati ko sa kaniya.

Tumango lang siya.

Humakbang nalang ako papunta sa hagdan dahil ang awkward talaga. Halos sabay lang kami sa pag-hakbang at tanging tunog lang ng pag-apak ng mga paa namin sa hagdan ang naririnig. Napaka awkward talaga.

Nang nasa bandang ibaba na kami ay dumating naman si LG galing sa kusina. Nilingon niya kami ni Kuya at parang may something sa ekspresyon niya.

Parehas kaming huminto ni Kuya sa pag-baba dahil kay LG. Maya maya pa ay tumingin si LG samin na parang nanunukso habang naka-ngisi pa.

"Yie, bati na sila." aniya sa nanunuksong boses.

"LG." medyo nagulat pa ako nang sabay kaming mag-salita ni Kuya Stell.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon