CHAPTER 5: Conflict

766 26 19
                                    

Chapter 5: Conflict

LG's Point of View

Dahan dahan kong pinunasan ang braso at muka ni Alexia. Medyo bumaba na ang lagnat niya dahil hindi na siya masyadong mainit. Nakakapag-taka lang dahil napaka-init niya kanina bago ako lumabas sa kwarto.

Pagkatapos kong punasan siya ay ipinatong ko ang basang bimpo sa noo niya para mabawasan ang init na nararamdaman niya. Nakaka-awa ang itsura niya.

Mukang kailangan ko na din siyang gisingin maya maya para maka-kain siya at maka-inom ng gamot. Pero habang tulog pa siya mag-luluto muna ako ng makakain niya.

I don't know the exact reason why I am doing this. Is it because of pity? Worry? Concern? Or all of that?

I believe that this is part of my job. But it is way too far from my job too.

Lumabas muna ako sa kwarto para mag-luto ng lugaw. Mabilis lang naman iyong lutuin kaya mabilis lang din akong natapos. Bumalik din agad ako sa kwarto dala ang isang mangkok na lugaw.

Pag-pasok ko sa kwarto ay wala nang tao sa kama. Narinig ko naman ang tubig sa banyo kaya nalaman kong nandoon siya.

Inilapag ko muna sa side table ang mangkok tsaka ko siya hinintay na lumabas doon. Naupo nalang ako sa gilid ng kama.

Nang makalabas na siya ay gulat pa ang itsura niya nang makita niya ako.

"Kuya." tawag niya sa akin.

Nginitian ko siya. Pumunta na ulit siya sa kama tsaka siya doon naupo at sumandal sa headboard.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"Masama parin. Parang ang init ng loob ng katawan ko pero nilalamig ako." sagot niya.

"Kumain ka muna. Para maka-inom ka na ng gamot." kinuha ko ang mangkok tsaka ko iyon ibinigay sa kaniya.

"Salamat."

Tumango nalang ako. Tahimik lang siyang kumain pero sunod sunod ang subo niya. Mukang gutom na gutom siya.

"Gusto mo pa?" tanong ko nang maubos na niya ang laman.

Umiling siya. "Ayos na Kuya, salamat talaga ah."

Inabot ko nalang sa kaniya ang baso na may lamang tubig. Inabot ko din sa kaniya ang gamot at ininom naman niya agad 'yon.

"Wag ka munang mahiga, baka mag-suka ka." sambit ko.

Tumango nalang siya. Ipinikit niya ang mga mata niya tsaka siya sumandal sa headboard.

Inilapit ko ang kamay ko sa kaniya tsaka ko hinawakan ang noo niya. "Mainit ka parin." I sighed. "Bakit kasi hindi ka nalang bumalik sa ampunan kahapon? Alam mo bang muntik ka nang mamatay?" nag-aalala parin ako sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina. Talagang hindi na siya humihinga.

She opened her eyes then she looked at me. "Weh? Talaga?" mangha niyang tanong.

I nodded. "Hindi ka na humihinga nung pinuntahan kita kanina sa labas. Namumutla na din yung labi mo. Siguro kung hindi pa kita pinuntahan, baka hindi ko na naabutang tumitibok yung puso mo." paliwanag ko.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon