CHAPTER 31: Shield

694 26 40
                                    

Chapter 31: Shield

Five o'clock ang labas namin sa trabaho at isang oras pa bago ang oras ng pagkikita namin ni Clark kaya uuwi muna ako sa bahay para mag-palipas ng oras.

Pero bago ako umuwi, dadaan muna ako sa McDo. Trip ko kasi mag-burger, fries, cokefloat at ice cream na may strawberry syrup. Hmm, iniisip ko palang nasasarapan na ako.

Nag drive thru nalang ako para mabilis. Habang nag-dadrive ako ay sumusubo ako ng fries at umiinom sa cokefloat ko.

Gaya nung mga nakaraang araw, wala naman na akong nararamdaman na kakaiba sa paligid. Wala nang masyadong sumusunod sa akin. Napaka-laking ginhawa naman no'n para sa akin.

Pag-dating ko sa mansyon ay pumasok na agad ako para maka-kain na ako ng maayos. Kanina pa kasi ako nagugutom. Inilapag ko muna sa lamesa ang mga pagkaing dala ko.

"Welcome home, princess." ani LG.

Nilapitan ko siya tsaka ko siya niyakap. Pagkatapos ay malawak ang ngiti kong sinalubong ng yakap si Stell. Na-miss ko siya ng sobra!

Tiningala ko siya habang naka-yakap parin ako sa kaniya. Tinignan ko ang magaganda niyang mga mata. Napaka-ganda talaga, napaka-sarap titgan.

"Ang ganda ng mga mata mo." bulong ko.

I can tell that he smiled. He lifted his arm then caressed my hair. "Ang ganda mo." sambit naman niya.

Mahina akong natawa at mas lumawak pa ang ngiti ko dahil doon.

"Sa harap ko pa talaga." rinig kong mahinang sabi ni LG sa likuran ko.

Nilingon ko siya tsaka ko siya binigyan ng nakakainis na tingin. I stick my tongue out at him. "Inggit." I said with a mocking voice.

Tumingin siya na parang naiinis, naiinggit at confident parin ang dating.

"Bakit naman ako maiinggit? I love myself." aniya. "Wala namang nag-mamahal sakin kundi ako lang eh." umakto pa siyang umiiyak at nag-punas punas pa siya ng mata. "'Di mo na ako mahal, si Kuya Stell nalang yung mahal mo."

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa tono ng boses niya. Kaya binitawan ko si Stell at nilapitan ko si LG tsaka ko siya niyakap.

"I'm sorry. Love naman kita eh." I said while pouting my lips and trying so hard to not to cry.

Naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin pabalik. Hinaplos haplos niya ang likod ko na tila ba pinapakalma ako.

"Hey, I was just teasing you. No need to cry, I know that you love me." LG said.

Hindi ko na kasi napigilang maluha. Naaawa kasi ako kay LG. Akala niya hindi ko na siya mahal eh mahal na mahal ko kaya siya. Sobra.

Tiningala ko siya at pinunasan naman niya ang mga luha sa mata ko.

"Tahan na." aniya.

"Ikaw kasi eh, mahal kaya kita. Ikaw nalang yung nag-iisa kong pamilya, syempre mahal kita. You're my one and only brother." I said.

"I know, I know. And I love you too my little sis." he even pinched my cheek lightly.

Napa-ngiti na ako dahil doon.

"Sige na, mag-bihis ka na. Baka pagod ka pa, mag-pahinga ka muna." aniya.

Tumango nalang ako.

Buti pa kay LG, kaya kong sabihin na mahal ko siya. Kailan ko kaya masasabi kay Stell ang totoo kong nararamdaman para sa kaniya?

Umakyat nalang ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto ko tsaka nag-bihis. Bumaba din ako pagkatapos.

Nang marinig ko ang mahihinang tunog ng paper bag sa gawing kusina ay kumunot ang noo ko at nag-mamadali akong nag-lakad papunta doon.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now