CHAPTER 8: Face

678 24 8
                                    

Chapter 8: Face

Malawak ang ngiti ko habang nag-lalakad kami ni LG pababa sa hagdan. Hindi ko na din alam kung ilang beses na akong nagpasalamat sa kaniya. Paulit ulit ko nang nasabi yung salitang salamat at thank you. At hinding hindi ako mag-sasawang sabihin 'yon sa kaniya.

"LG."

Nahinto ang pag-kekwentuhan namin ni LG nang tawagin siya ni Kuya Stell. Seryoso ang boses ni Kuya at sa tingin ko ay may seryoso silang pag-uusapan.

"May kailangan tayong pag-usapan." seryoso ang boses ni Kuya. Diretso siyang naka-tayo habang naka-tingin sa amin.

Tuluyan na kaming bumaba sa hagdan.

"Okay. Anong kailangan nating pag-usapan?" tanong ni LG.

"Privately." sambit ni Kuya tsaka niya ako nilingon.

Bahagya namang umangat ang kilay ko na parang nag-tatanong.

"Pumunta ka muna sa kwarto mo Lex." ani LG.

Tumango nalang ako. "Sige. Tawagin mo lang ako pag may kailangan kayo."

Tumango nalang din siya. Kahit na nag-tataka ay umakyat nalang ako sa hagdan. Na-curious tuloy ako sa pag-uusapan nila.

Hindi naman ako chismosa para makinig pa sa pag-uusapan nila kaya nag-stay nalang ako sa kwarto ko. Naka-upo lang ako sa gilid ng kama ko habang nag-iisip ng kung ano ano.

Wag naman sanang negative yung pinag-uusapan nila.

...

LG's Point of View

"Anong pag-uusapan natin Kuya?" tanong ko nang maka-alis na si Lex.

Lumapit siya sakin tsaka niya ako seryosong tinignan.

"Anong balak mo sa mortal na 'yan?" tanong niya.

Bumuga nalang ako ng hangin tsaka ako napakamot sa batok ko. Si Lex nanaman, tungkol nanaman kay Lex ang pag-uusapan.

"Kuya, eto nanaman tayo sa usapang 'yan. Of course she's staying here. Actually I'm planning to enroll her on a university this coming school year." sambit ko.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya kahit na naka-maskara pa siya.

"Ano? Pag-aaralin mo siya? Nababaliw ka na ba talaga LG?" may diin niyang sabi.

"What’s so bad about it? She has a lot of goals in life. At kailangan niyang mag-aral para maabot yung mga pangarap niya." sagot ko.

Marahas siyang bumuga ng hangin tsaka niya ako tinignan ulit. "Mas mapapalapit siya satin dahil sa ginagawa mo. Anong susunod mong gagawin pagkatapos mo siyang pag-aralin? Aampunin mo na din siya? Palalakihin mo na din siya dito sa pamamahay ko? Pinapaalala ko lang sa'yo LG, bahay ko 'to. At pinag-bibigyan lang kita sa pag-papatira dito sa mortal na 'yan dahil akala ko, pag gumaling na siya sa sakit niya, aalis na siya ulit. Pero ngayon balak mo pa siyang pag-aralin? Wow LG. Wow."

Bahagya akong yumumo dahil naguguluhan na din ang isip ko. Nag-hahalo halo na ang mga bagay sa utak ko at hindi ako makapag-isip nang maayos.

Nag-angat ako ng ulo. "Kuya, she's a family–"

"She's not! Alam mo LG hindi na kita maintindihan. Palagi mo nalang akong sinusuway dahil sa mortal na 'yan." pag-puputol niya sa sinasabi ko.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now