CHAPTER 11: Passed

654 26 14
                                    

Chapter 11: Passed

"Hindi pa ba ina-announce sa page ng University kung pasado ka?" tanong nanaman ni LG.

Oo, nanaman. Ilang araw na niyang itinatanong sa akin 'yan. At pare-parehas lang ang sagot ko.

"Hindi pa."

Halos isang linggo na kasi yung nakalipas nung nag-take ako ng test at interview. Sa tingin ko ayos naman yung mga isinagot ko sa test at interview, kaya hindi ako masyadong nag-aalala tungkol doon.

"Wala paring tumatawag sa akin." ani LG. "Gusto mo pumunta tayo sa University?" tanong niya.

Agad akong umiling. "Mag-hintay nalang tayo. Hindi naman nila kakalimutan 'yon. Kalma ka lang."

"Basta yung deal natin ah. Pag naka-pasa ka, lulutuan mo ako ng lumpia."

Tumango ako. "Dapat meron din akong kondisyon pag pumasa ako."

"Ano bang gusto mo?" tanong niya.

"Dapat sasagutin mo yung mga tanong ko." sagot ko.

"Tanong tungkol saan?"

"Ah basta. Dapat lahat ng tatanungin ko, sasagutin mo ah. Deal?"

Bumuga nalang siya ng hangin. "Deal."

Mabuti naman! Ngayon, gustong gusto ko na din tuloy malaman kung naka-pada ba ako o hindi.

Napaka-dami ko kasing tanong tungkol sa kanila. Nawalan naman na ako ng oras para mag-tanong kay LG dahil sa pag-rereview ko nung mga nakaraang araw. Tapos pag wala naman akong ginagawa, siya naman yung may ginagawa. Wala akong mahanap na timing.

Kaya pag pumasa ako, may mga tanong na masasagot na ni LG. Medyo malilinawan na din ako sa ilang bagay tungkol sa kanila.

Nasa balcony lang kami ni LG dahil ayaw naming maistorbo si Kuya Stell sa trabaho niya. Maingay kasi kami mag-daldalan. Minsan kasi may halong asaran at tawanan.

"Bakit pala hindi nalang tayo mag-pakabit ng WiFi? Hindi ba mas makakatipid tayo do'n kaysa sa load?" suggestion ko kay LG.

"Naisip ko na din 'yan once. But it's too risky. Kailangan nilang malaman ang home address natin, kaya wag nalang." sagot niya.

Agad naman akong nag-taka. "Ha? Bakit naman? Address lang naman."

"Baka nakakalimutan mong bawal malaman ng mga mortal na may naninirahan dito sa mansyon." paalala niya.

Ay, oo nga pala. Pati ba naman WiFi bawal?

"Ayos na yung load. Hindi nila malalaman yung address natin, at pwede mo pang gamitin kahit nasaan ka. Pag WiFi kasi, limited lang yung distance ng connection." sabi pa niya.

Tumango nalang ako. May point naman siha. Mas convenient nga ang load. Mas magastos nga lang. Sabagay, mayaman naman siya eh.

Nag-paalam muna ako kay LG na pupunta muna ako sa library habang nag-hihintay ng updates tungkol sa test ko.

May libro akong dapat basahin. Nakalimutan ko lang basahin nung mga nakaraang araw dahil masyado akong focused sa pag-rereview.

Agad akong pumunta sa book shelf kung saan ko nakita ang dalawang librong iyon. Hindi naman ako bigo sa pag-hahanap dahil mabilis ko lang iyong nakita. Kakaiba kasi yung book cover nila.

Parehas ko iyong inilapag sa lamesa. Uunahin ko muna itong kulay itim ang cover at may pamagat itong The Wunsk.

Grabe, ang kapal nito. Gaano katagal ko kaya 'to babasahin?

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon