CHAPTER 43: D?

890 29 62
                                    

Chapter 43: D?

Stell's Point of View

Iminulat ko agad ang mga mata ko nang magising ang diwa ko. Kay Alexa agad dumapo ang tingin ko. Mahimbing parin ang tulog niya. Naka-harap siya sa akin at naka-siksik ang muka niya sa braso ko. Naka-patong naman sa dibdib ko ang kanang braso niya.

Napa-ngiti nalang ako. Mukang maya-maya pa siya magigising. Maingat akong bumangon tsaka ko nilagyan ng unan ang pwesto ko para hindi siya magising. Dahan dahan akong yumuko para halikan siya sa pisngi.

Inayos ko ang kumot hanggang sa leeg niya. Pagkatapos ay maingat din akong bumaba sa kama tsaka ko isinuot ang damit ko pang-itaas. Nag-suot na din ang ng face mask.

Walang ingay akong lumabas sa kwarto. Hahandaan ko na siya ng pagkain para maka-kain na agad siya pagkagising niya.

Nag-hihikab ako habang pababa sa hagdan. Mas hininaan ko ang pag-hakbang ko sa hagdan nang may marinig akong boses na nag-uusap sa bandang kusina. Nang makababa na ako ay lumingon agad ako doon.

Si Clark at Vanessa. Nandito na pala sila.

Nag-salubong ang kilay ko nang makita ko ang braso ni Clark na naka-paikot sa bewang ni Vanessa. Naka-harap sila sa counter top at nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napapansin.

Hmm, mukang close sila. Sobrang close.

Nang makaramdam ako ng kiliti sa ilong ko ay tinanggal ko agad ang face mask ko. Nag-concentrate ako hanggang sa tuluyan na akong mabahing.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay silang dalawa agad ang nilingon ko. Naka-tingin na din sila sa akin ngayon habang gulat ang itsura. Inalis na din ni Clark ang braso niya sa bewang ni Vanessa.

Sus.

"Bakit?" inosente kong tanong habang isinusuot ulit ang face mask ko.

Nang mag-lakad na ako papunta sa kanila ay pasimple silang dumistansya sa isa't isa. Dumiretso naman ako sa ref tsaka ko kinuha ang strawberry jam.

"Nakabalik na pala kayo? Kamusta yung ginagawa niyo? Natapos niyo na ba?" tanong ko.

"Ah, yes. Almost." sagot ni Vanessa.

Tumango nalang ako tsaka ko isinara ang pinto ng ref. Pumunta naman ako sa cabinet para kuhanin ang tinapay.

"About that. Actually, it's about Dan." ani Vanessa.

Napa-hinto ako sa pag-galaw nang marinig ko iyon.

"We're planning to give justice for what happened to LG. We're going to capture him."

Bumuga ako ng hangin tsaka ko na tuluyang kinuha ang tinapay at ipinatong iyon sa lamesa.

"Pagkatapos no'n, ano na'ng gagawin niyo?" tanong ko.

"Whatever you want to do with him." sagot niya.

Gusto ko ding gumanti kay Dan dahil sa ginawa niya kay LG at sa pag-tatangka niyang pag-baril kay Alexa. Pero hindi ko alam kung sa paanong paraan.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon