CHAPTER 15: Number

608 25 12
                                    

Sorry for updating late. I haven't had much time to write/type this days because of lots of performance tasks on school and personal life events.

- Nath(Nahhhlia)

Chapter 15: Number

"Did you saw anyone suspicious? Meron bang nang-away sa'yo? May napansin ka bang umaaligid sa'yo?" sunod sunod na tanong ni LG nang makarating na kami sa mansyon.

"Wala naman. Mabait naman yung mga kaklase ko." sagot ko.

Ayaw ko namang mag-alala pa sila sa akin. Tsaka kaya ko naman tiisin yung ugali ng ibang estudyante doon. Ako pa, eh sanay na ako sa ganon.

"Sigurado ka? Wala namang problema?" tanong niya ulit.

"Hmm-mm, ayos lang lahat. Masaya nga yung first day ko eh." sagot ko.

Tumango nalang siya. "That's good. Basta sabihan mo agad ako pag may kakaiba kang napansin sa paligid mo
And about that guy earlier, stay away from him." sumeryoso ang boses niya.

"Opo Kuya." sambit ko sa medyo malokong boses.

"Good. Mag-bihis ka na at gawin mo na yung mga dapat mong gawin sa school."

Umakyat nalang ako at dumiretso sa kwarto ko. Nakaka-pagod din pala sa school buong mag-hapon. Pero masaya naman kasi may mga kaibigan naman ako.

'Yon nga lang kailangan ko pang iwasan yung isa. Ayaw ko namang suwayin si LG dahil magagalit na talaga siya sakin.

Pagkatapos kong mag-bihis ay ginawa ko nalang ang mga assignment na ibinigay kanina. May mga salita na hindi ko maintindihan. Mabuti nalang dahil may google. Mas madali mag-search doon kaysa sa dictionary.

Naisip ko na kailangan kong maging magaling sa pag-sasalita ng english. Yung mga kasama ko kasi sa school ay puro englishero at englishera. Kailangan ko din maging magaling sa english para sa mga recitation at paper works namin. Lalo na sa future, pag may trabaho na ako.

Kaya simula ngayon, mag-papractice na akong mag-salita ng english! Sakto, lagi ding nag-eenglish si LG. Mas madali akong masasanay.

...

Gaya ng ginawa ko kahapon ay maaga din akong gumising ngayon. Naka-ayos na ako at tapos na din akong kumain. Isinuot ko ulit ang hair clip na ibinigay sa akin ni LG, at syempre yung singsing.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon, bigla nalang uminit yung singsing at napaso ako. Posible ba 'yon?

Inangat ko ang kanang kamay ko at tinignan ang daliri kong napaso kahapon. Nagkaroon iyon ng maliit na peklat pero hindi naman masakit.

Bumaba ako galing sa kwarto ko hawak ang necktie sa kanang kamay ko. Agad akong lumapit kay Kuya Stell na naka-upo sa upuan niyang may gulong sa baba.

"Kuya, pwede pong palagay ulit yung necktie?" pakiusap ko.

Bumuga siya ng hangin tsaka siya tumayo at hinarap ako. Parang labag pa sa loob niya yung gagawin niya eh.

Kinuha niya ang necktie sa kamay ko at sinimulan na niyang ayusin iyon. Malapit siya sa akin lalo na ang kamay niya kaya hindi ko maiwasang maamoy ang amoy niya. Ang bango niya talaga. Ano kayang sabon ang gamit niya? Try ko din!

"Sa susunod dapat ikaw na ang mag-lagay nito sa sarili mo. Pag-aralan mo nalang. Madali lang naman. Hindi pwedeng laging sa akin mo 'to ipinapaayos." aniya sa malamig na boses.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now