CHAPTER 34: Bump

777 22 35
                                    

Chapter 34: Bump

Stell's Point of View

Alam ko na ilang araw na akong wala sa matinong kaisipan at nag-mumukmok dito sa kwarto ko dahil sa pangyayari.

Hindi ko lang talaga matanggap. Hindi ko parin lubos maisip na wala si LG. Si LG na napaka-tagal ko nang kasama sa trabahong 'to. Si LG na napalapit na sa akin at itinuring ko nang pamilya.

Nawala siya ng ganon-ganon lang.

Nawala din sa akin ang locket. Napaka walang kwenta ko. Wala man lang akong nagawa. Hindi ako karapat-dapat para sa tungkuling ibinigay sa akin.

"Stellvester, you should move on."

Nang marinig ko ang boses ni Hope ay masama ang tingin ko nang lingunin ko siya.

"Sana nga ganon lang kadaling gawin 'yon." may diin kong sabi.

"Hindi titigil ang oras para sa'yo. Kailangan mong harapin ang mga pagsubok na dumadating." aniya.

Hindi ko nalang siya pinansin.

"Sa tingin ko kailangan mo na ng bagong kanang kamay. Kaya kong ibigay' yon sa'yo."

"Hindi ko kailangan ng kahit ano! Si LG! Si LG lang ang ibigay niyo! Sa tingin niyo ba mapapalitan siya ng kung sino sino lang?!" sigaw ko.

Nawalan nanaman ako ng kaibigan. I lost another friend. Hinayaan ko nanamang mawalan ako ng taong malapit sa akin.

Ano bang nagawa ko para makatanggap ng ganitong pagsubok sa buhay? Ano bang pagkukulang ko?

Wala nang natira sa akin. Nawala na lahat. Kinuha na silang lahat.

...

Alexia's Point of View

Nagising ako na masama parin ang pakiramdam. Nilalagnat parin ako. Mainit parin ang buong katawan ko at mabigat parin ang pakiramdam ko. Pero kailangan kong pumasok sa trabaho.

Bumangon ako at inayos ang kama ko. Ibinaba ko na din si Puti sa sahig. Paikot ikot lang siya sa sahig habang inaayos ko ang kama ko.

"Maliligo lang ako ah? Behave ka lang dito." bilin ko kay Puti habang hinahaplos ang ulo niya.

Gumagalaw ang buntot niya habang hinahaplos ko ang ulo niya. Mukang gusto niya ang ginagawa ko sa kaniya. He's so cute.

Pagkatapos no'n ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Hindi rin ako nag-tagal dahil masama pa nga ang pakiramdam ko. Baka mas lumala pa ang sakit ko.

Pagkatapos kong maligo ay nag-bihis na ako. Inayos ko ang sarili ko at mga gamit ko. Sumunod naman sa akin si Puti nang lumabas na ako sa kwarto.

Sumusunod din siya sa akin pababa sa hagdan. Dumiretso ako sa kusina. Titimplahan ko muna ng gatas si Puti bago ko asikasuhin ang kakainin ko.

"Oh, kain ka na." ibinaba ko sa sahig ang isang mangkok na gatas at agad naman niya iyong kinain. Mukang kailangan ko na ding bumili ng makakain niyang dog food. Baka kasi hindi sapat sa kaniya yung gatas lang.

Kumuha na ako ng makakain ko sa cabinet. Instant noodles nalang para mabilis. Nag-painit ako ng tubig para iluto ang instant noodles. Magtitimpla din ako ng gatas ko.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now