CHAPTER 20: Visiting The Past

744 31 46
                                    

Chapter 20: Visiting The Past

Pag-dating ng kotse ni LG ay pinilit kong ayusin ang sarili ko pero mismong sarili ko ay hindi ko na mapigilan.

Nakita ko siyang lumabas sa kotse tsaka niya ako nilapitan.

"Lex, what happened? Why are you crying? Bakit? Tell me." sunod sunod niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ko.

Hindi ako maka-sagot. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Barado din ang lalamunan ko. Tanging pag-hikbi lang ang nagagawa ko.

"Lex. Tell me what happened. Nag-aalala na ako dito." sambit ni LG sa nag-aalalang boses.

Unti unti ko siyang tinignan tsaka ko pinilit ang sarili ko na mag-salita.

"U-Umuwi na t-tayo, p-please?" pakiusap ko sa paos na boses.

Agad siyang tumango. "Okay, uuwi na tayo."

Inalalayan niya ako papunta sa kotse, siya na din ang nag-bukas no'n para sa akin.

Nang maka-sakay na siya ay hindi na siya nag-tanong pa. Pero sumusulyap sulyap siya sa akin habang nag-mamaneho. Gulong gulo na siguro ang isip niya ngayon.

Ako din mismo, naguguluhan. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Maliit na bagay lang naman 'to para sakin. Pero bakit naging ganito kalala sa pakiramdam?

...

LG's Point of View

Dire-diretso lang si Lex na pumasok sa mansyon nang makarating na kami. Ni-hindi nga niya binati si Kuya Stell na kadalasan niyang ginagawa palagi.

Ano ba talagang nangyari sa kaniya?

Napansin ko kasi na ayaw niyang pag-usapan kung ano ba ang nangyari kaya hindi ko nalang siya kinulit. Bibigyan ko muna siya ng oras para makapag-isip.

"Anong nangyari?" tanong ni Kuya.

"Hindi ko alam. Pag-dating ko sa University kanina umiiyak na siya. Sinubukan ko siyang kausapin pero hindi siya nag-sasalita." sagot ko.

Sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang problema niya. Hindi ko alam kung paano siya matutulungan.

"Kailangan mong malaman kung bakit siya nagkaka-ganiyan." ani Kuya.

Tumango ako. "Susubukan ko siyang kausapin mamaya."

Alam ko at ramdam ko na nag-aalala din si Kuya para kay Lex. Hindi man niya sabihin ng diretso, halata naman sa mga mata niya.

What happened to my little sister?

...

Gabi na at oras na ng hapunan pero hindi parin bumababa si Lex. She must be studying or crying right now. Kanina kasi noong pinuntahan ko siya ay umiiyak parin siya.

This is alarming. She never cried this way before. At wala man lang akong kaalam alam kung bakit.

Umakyat ako sa hagdan para puntahan ulit siya. Kailangan na niyang kumain dahil may pasok pa siya bukas.

Mahina akong kumatok sa pinto ng kwarto niya pero hindi niya iyon binubuksan. Itinapat ko ang tenga ko sa pintuan, tumigil na ang tunog ng pag-iyak sa loob.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now