CHAPTER 16: Outside

698 33 43
                                    

Chapter 16: Outside

Dumiretso na agad ako sa loob nang makarating na kami sa mansyon. As usual, nasa sala nanaman si Kuya Stell at muka siyang stressed. Bakit kaya?

"Hello Kuya! May problema ba?" tanong ko nang maka-lapit na ako sa kaniya.

"Nasaan si LG?" tanong niya.

Tumalikod ako tsaka ko tinignan si LG, nahuli kasi siyang pumasok sa mansyon. Nang makita ko siyang nag-lalakad sa di kalayuan ay humarap na ulit ako kay Kuya Stell.

"Ayon po." turo ko kay LG.

Tumayo siya sa silya niya tsaka niya inayos ang sarili.

"Umakyat ka na sa kwarto mo, mag-uusap kami ni LG." aniya sa seryosong boses.

Agad naman akong inatake ng kyuryosidad.

"Ha? Bakit? Paalisin niyo nanaman ba ako dito? Nag-aaral naman akong mabuti ah. Wala naman akong ginagawang ayaw niyo. Sumusunod naman ako sa inyo palagi." bahagya pa akong ngumuso.

Narinig ko siyang bumuga ng hangin. "Umakyat ka nalang at pumunta ka na sa kwarto mo."

"Bakit ba kasi gusto niyo akong umalis dito?" mas ngumuso pa ako.

"Hindi ka namin paaalisin. Ngayon, pag hindi ka pa sumunod sa akin, palalayasin nalang talaga kita dito ngayon na."

"Sabi ko nga, aakyat na." sambit ko tsaka ako umakyat sa hagdan.

Akala ko naman kasi kakausapin nanaman niya si LG para paalisin ako dito sa bahay. Nag-panic lang naman ako, hehe.

Gaya ng sabi ni Kuya Stell, sumunod nalang ako sa utos niya. Baka mapaalis pa ako ng wala sa oras.

Ginawa ko nalang ang mga assignment at iba ko pang school works habang nag-uusap pa sila. Mukang importante yung pag-uusapan nila dahil seryoso si Kuya Stell. Well, lagi naman siyang seryoso.

...

Stell's Point of View

"Ano 'yon Kuya? Bakit pinaakyat mo agad si Lex sa kwarto niya?" tanong ni LG nang makalapit na siya sakin. Pero wala na akong oras na sagutin iyon dahil mas importante ang kailangan kong sabihin.

"Makinig kang mabuti, importante ang sasabihin ko." panimula ko.

Tumayo naman siya ng maayos at nag-hintay para sa sasabihin ko.

"Ayaw tanggapin ni Hope ang locket. Kailangan daw tayo ang mag-ingat doon dahil mas manganganib ang mga locket kung nasa iisang lugar lang iyon naka-tago. Kaya nga idinistribute niya sa iba't ibang wish granter ang apat na locket para mahirapan ang mga Schadenfreude sa pag-hahanap. At isa tayo sa mga pinag-katiwalaan niya. Hindi natin pwedeng ibalik ang locket sa Wunsk." paliwanag ko.

"So, kailangan nating ingatan ang locket. Alam ko 'yon. Safe naman sa atin ang locket, diba?" tanong niya.

Bumuga ako ng hangin. "Walang safe na lugar sa mundo, LG." sambit ko sa mababang boses.

"We just have to secure it. Secured naman ang mansyon dahil may panangga tayo sa mga Schadenfreude, diba? Hindi sila makaka-pasok dito." kalmado niyang sabi.

"Hindi tayo safe LG." sambit ko sa tono na nang gigising sa diwa niya. "Kahit anong panangga ang gamitin natin, hindi tayo safe, lalong lalo na ang locket. Hinding hindi nila pwedeng makuha sa atin 'yon dahil pag nakuha nila ang lahat ng 'yon ay babagsak ang Wunsk at ganon din ang mga tao, kailangan nila tayo."

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon