CHAPTER 48: Broken

935 32 57
                                    

Chapter 48: Broken

Stell's Point of View

Inaayos ko ang kumot naming tatlo nila Alexa at Kia. Itinabi kasi ni Alexa si Kia sa amin ngayong gabi. Nasa gitna naming dalawa si Kia.

Hininaan ko din ang aircon kanina dahil baka malamigan ng sobra si Kia. Pinauna ko silang matulog dahil hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nakikitang mahimbing na ang tulog nila.

Matutulog na din sana ako nang marinig ko ang mahinang pag-katok sa pinto. Sa sobrang hina no'n ay hindi ko siguro 'yon maririnig kung maingay. Mabuti nalang at tahimik na ngayon.

Dahan dahan akong umalis sa kama tsaka ako walang ingay na nag-lakad papunta sa pinto. Pag-bukas ko ay si Vanessa ang bumungad sa akin. Lumabas ako sa kwarto tsaka maingat na isinara ang pinto.

"Bakit?" kilala ko si Vanessa. Hindi siya kakatok ng ganitong oras kung wala lang ang sasabihin niya.

"I heard the Schadenfreudes earlier. Nag-uusap sila sa harap ng mansyon. Nakita ko sa monitor mo. Balak nilang kuhanin ang anak mo. They will use her as a key to get what they want." mahina niyang sabi na para bang nag-iingat para walang makarinig sa amin.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kung dati ay nagagawa naming maging kalmado kahit papaano dahil kaya naman naming ipagtanggol ang sarili namin, ngayon ay kakaibang kaba na ang nararamdaman namin. Lahat kami ay kinakabahan para kay Kia.

"Narinig mo ba kung kailan nila balak sumugod?" tanong ko.

"No. Hindi nila sinabi. Of course they wanted it to be surprise. Malamang susugod sila sa oras na hindi natin inaasahan. We must be much careful than before." sagot niya.

Talagang gagawin nila ang lahat para makuha ang gusto nila. Pero gagawin ko din ang lahat para hindi mangyari iyon. At hinding hindi ko ipapahamak ang anak ko.

"Clark and I will guard the mansion especially when it's dark. Ikaw ang bahala sa mag-ina mo. Sasabihan agad kita pag dumating sila at susugod na sila. I'm sure they are up to something big Stell. I don't feel good about this." halata sa boses niya ang pag-aalala.

Ako rin, ako rin nangangamba. Natatakot din ako ng sobra. Alam na nila ang kahinaan ko, ang kahinaan namin.

"Vanessa, wag mo sanang sasabihin kay Alexa ang tungkol dito. Ayokong mag-alala siya. Ako nalang ang bahalang mag-paliwanag sa kaniya ng tungkol dito." pakiusap ko sa kaniya.

Tumango siya. "Sure."

"Salamat. Napaka-dami niyo nang naitutulong sa amin." ngumiti ako.

"We're friends. Friends help each other." ngumiti din siya.

"Sige, salamat ulit. Inaasahan ko na hindi 'to makakarating kay Alexa."

"Promise."

Parehas naming nginitian ang isa't isa at kalaunan ay pumasok sa ulit ako sa kwarto. Nang maisara ko na ang pinto ay napa-titig agad ako sa mag-ina ko.

Kahit ano pa ang mangyari, hinding hindi ko kayo pababayaan. Ako ang sasalo sa lahat ng kapahamakan na umaaligid sa inyo.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now