CHAPTER 46: Little One

821 28 63
                                    

Chapter 46: Little One

I gathered all my strength and started to push. I can feel my baby going out. Naiiyak nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman. Pero pinipigilan ko ang sarili ko na mapahiyaw sa sakit.

"Isa pa Alexia. You can do it."

I tried so hard not to scream as I pushed harder. Mahigpit din ang hawak ko sa kamay ni Stell at hinahaplos naman niya ang ulo ko.

"The head is out. One more big push Alexia."

Excruciating pain assaulted my body. I followed every command from Vanessa. I was tired and about to give up but my baby is counting on me.

So I gave my last hard push, and I finally felt satisfied when I felt my baby got out. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang mga mata ko. I am so exhausted.

"You have a little princess! It's a girl!" ani Vanessa.

Napa-ngiti nalang ako kahit na pagod na pagod at hingal na hingal parin ako. I wanted to cry when I heard my little girl's first cry too.

Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan ko agad ang sanggol na nililinisan ni Vanessa. She's so tiny. So cute.

Nilingon ko si Stell. Naka-tingin din siya sa baby namin habang hinahaplos parin ang ulo ko. When he looked at me, I saw his eyes pooling with tears.

Finally, finally she's out.

I wanted to hold her in my arms but I was so tired. I couldn't help but to close my eyes. Until I lost my consciousness.

...

Stell's Point of View

Hindi ko na mapigilang maging emosyonal nang makita ang anak ko, lalo na noong sinabi ni Vanessa na babae siya. My little princess. Ngayon lang ako nakarinig ng iyak ng isang sanggol.

Nilingon ko naman si Alexa. Hinawakan ko ang pisngi niya nang ipikit niya ang mga mata niya.

"Alexa." sinubukan kong tapikin ang pisngi niya pero mukang wala siyang malay.

"Vanessa, walang malay si Alexa." kinakabahan kong sabi.

"That's normal. She's exhausted. Gigising din siya maya maya." sagot niya habang nililinisan ang anak ko.

Nag-hintay ako ng ilang minuto para matapos si Vanessa sa ginagawa niya. Inaalis niya ang dugo na nasa katawan ng sanggol tsaka niya ito binalutan ng malinis na tela.

"Stell. Carry her, I still have to do something to Alexia. Kailangan ko pang paliguan mamaya yung bata." ani Vanessa. "Ooh, she's so cute!"

Lumunok ako. Kinakabahan ako pero na-eexcite din ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Dahan dahan akong tumayo tsaka ako lumapit kay Vanessa. Tinignan ko agad ang muka ng anak ko na patuloy parin sa pag-iyak hanggang ngayon.

"Oh, dahan dahan ha." paalala ni Vanessa.

Lumunok ulit ako tsaka ako tumango. Maingat kong kinuha sa braso ni Vanessa ang sanggol tsaka ko siya maayos na kinarga sa bisig ko.

Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Karga ko na sa bisig ko ang panibagong tao na sumisimbolo sa aming dalawa ni Alexa.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon