CHAPTER 17: Signs

708 31 47
                                    

Chapter 17: Signs

Schadenfreude

"Confirmed, lord. They are one of them."

I straightened my back when I heard his news.

"Good. How about the girl you're talking about?" I asked.

"She's not part of the Wunsk. Although she's connected to them and she seems important to that right hand man."

I slowly nodded my head. What a good bait they had. A mortal important to them, huh. Let's see then.

"What are we going to do, my lord?" he asked.

My lips formed a light smirk. "Just lie-low a bit for now. We'll take action very soon. Give them some time to be together. Para mas matagal silang magkasama, mas masakit pag nawala ang isa."

He bowed down his head before leaving.

That was a nice news. Mukang mapapasakin na ang isa sa mga locket, sa lalong madaling panahon.

At pag nangyari 'yon, unti unti nang babagsak ang Wunsk.

...

Stell's Point of View

"Sige Kuya, salamat ulit dito ah. Mauna na ako." naka-ngiti niyang paalam.

Tumango nalang ako. Pinagmasdan ko siyang tumalikod at mag-lakad sa akin papalayo nang may mapansin ako sa palda niya. Hindi iyon ganon ka-halata dahil dark ang kulay no'n pero pag tinitigan ay mahahalata din.

"Sandali." wika ko.

Huminto naman siya sa pag-lalakad tsaka niya ako nilingon.

"Po?" taka niyang sabi.

Napa-titig ako sa muka niya. Muka siyang anghel na napaka-amo ang muka. Napaka inosenteng tignan lalo na ang naguguluhan o nag-tataka niyang ekspresyon.

"Halika." tawag ko sa kaniya.

Habang nag-lalakad siya palapit sa akin ay inaalis ko naman ang jacket na suot ko. Inayos ko din ang cap na suot ko dahil baka may sumulyap sa aking mortal.

Nang maka-lapit na siya sa akin ay ipinaikot ko ang sleeves ng jacket sa bewang niya tsaka ko iyon itinali sa harapan niya.

"May something sa palda mo." mahinang sabi ko para walang ibang makarinig.

Medyo nanlaki ang mga mata niya.

"Hala, kailangan ko nang mag-palit. Sige Kuya, thank you talaga dito. Malapit na yung next class namin eh. Pupunta pa ako sa banyo." aniya.

Tumango nalang ulit ako.

"Ingat ka Kuya ah. Diretso ka na agad sa mansyon."

How could she sound so concerned about me? Ni-hindi nga maganda ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ko siya pinapansin. Hindi ko siya kinakausap. Umaakto ako na parang wala lang siya lagi.

Pero sa kabila ng ganoong trato ko sa kaniya, nananatili parin siyang mabait sa akin na oarang wala akong ginawa dati para mapaalis siya sa pamamahay ko o kung ano man. May mga tao ba talagang gaya niya? Mabait, maintindihin, at hindi agad nag-tatanim ng sama ng loob.

Akala ko noon puro kasakiman, kasamaan, at kung ano ano pang hindi magandang bagay ang ugali ng mga tao. Iyon kasi ang madalas kong napapansin sa sobrang tagal kong pamumuhay dito sa mundo. Bihira lang ako makakita ng taong gaya niya.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now