CHAPTER 6: For Him

726 26 29
                                    

Chapter 6: For Him

"Do you really have to go?"

Mapait akong ngumiti kay LG. Tsaka ako tumango.

"Kailangan eh." sagot ko.

Nasa labas na kami ngayon ng mansyon. At dahil gusto ko na silang mag-bati, kahit na may lagnat parin ako ay aalis na ako.

"Take care." wika ni LG.

"Salamat. Kayo din." sagot ko.

Kusa nalang akong lumapit sa kaniya tsaka ko siya niyakap. Nakikita at nararamdaman ko naman yung pag-aalala at malasakit sa akin ni LG.

Kanina habang nasa kwarto siya, pinakain niya ako, pinainom ng gamot, inalagaan, concern din siya sa kalagayan ko.

Pakiramdam ko nagkaroon ako ng instant Kuya.

At mawawala din siya in an instant.

Hay.

"Sige LG, salamat ulit sa tulong ah. Sobra." sambit ko nang humiwalay na kami sa yakap.

Nilingon ko naman ang taong naka-tayo sa likod niya.

"Salamat din Kuya." sabi ko kay Kuyang naka-maskara.

Naka-tayo lang siya doon habang naka-tingin sa amin. Mukang wala naman na siyang balak sabihin kaya aalis na ako.

Sa huling pagkakataon ay nginitian ko si LG, nginitian din niya ako pabalik pero may halong pag-aalala iyon.

Mabuti nalang at pinahiram ako ni LG ng jacket dahil nilalamig parin ako. Pinakain din muna niya ako bago ako tuluyang umalis.

Kahit na nahihirapan ako dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sakin, pinilit kong tumalikod.

Pinilit kong talikuran ang huling pag-asa kong matutuluyan ko.

...

LG's Point of View

Mabigat ang pakiramdam ko habang dahan dahang nag-lalajad si Lex papunta sa gate kung saan ko din siya inihatid palabas noong unang beses ko siyang tinulungan.

I tried my best to please Kuya Stell, but he's hard as rock. Hindi niya ako pinakinggan.

Gusto ko ding mag-stay dito si Lex dahil may sakit pa siya. Mainit pa siya kanina noong niyakap niya ako. Nag-aalala akong baka mas lumala pa ang sakit niya.

I sighed then bowed down my head. Unti unti na rin akong tumalikod dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong pigilan si Lex sa pag-alis.

I don't know what I feel towards her, but she just hits different. It feels like, I had an instant sister. Instant family.

I don't know anymore, I'm confused.

Hindi ko na binigyan ng tingin si Kuya Stell na ngayon ay naka-tingin parin kay Lex habang hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya.

Nilagpasan ko nalang siya. Mabibigat ang bawat hakbang ko. Nag-aalala talaga ako kay Lex. This is crazy.

Paano pag may nangyaring masama kay Lex? Paano kung may mag-tangkang gumalaw nanaman sa kaniya? Paano kung wala siyang matuluyan? Napakadami pang tanong sa isip ko, hindi ko na mabilang.

"Wait."

Kusa akong huminto sa pag-lalakad nang marinig kong mag-salita si Kuya Stell. Nag-angat din ako ng tingin.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now