CHAPTER 33: Pup

672 26 32
                                    

Chapter 33: Pup

It's been a week since the tragedy happened. Simula noong nangyari 'yon, naging malungkot at tahimik na ang buong mansyon. Walang buhay ang mansyon dahil walang madaldal at maingay.

I really miss him.

Isang linggo din akong wala sa sarili. Hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap. Gabi gabi akong umiiyak. Hindi ako makakain at makatulog ng maayos dahil sa mga bumabagabag sa isip ko.

Lagi kong iniisip ang nangyari. Nawala si LG, nawala din ang locket. At pakiramdam ko, kasalanan ko.

Tama. Kasalanan ko naman talaga. Ako ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayari. Ako ang dahilan kung bakit nawala si LG, ako din ang dahilan kung bakit nakuha ng Schadenfreude ang locket. Kasalanan ko lahat.

Hindi muna ako nag-trabaho dahil wala pa ako sa tamang pag-iisip para doon. Hindi ako makakapag-trabaho nang maayos kung may iba akong iniisip.

Nawalan talaga ako ng gana sa lahat. Hindi parin ako okay, hindi ako okay. Lagi akong puyat at walang tamang kain. Ano na bang nangyayari sakin?

Then last night, I realized that I should do something to make me keep sane. Hindi pwedeng maging ganito nalang ako palagi. Kailangan kong patuloy na lumaban sa buhay. Alam kong hindi matutuwa si LG sa ginagawa ko ngayon kaya napagdesisyunan ko na ayusin na ang sarili ko.

Maaga akong gumising para ayusin ang sarili ko para pumasok sa trabaho. Nakapag-file pa ako ng leave for 1 week sa tulong ni Angel, mabuti nalang may kaibigan akong gaya niya.

Naligo muna ako at inayos ang sarili ko. Nang makapag-bihis na ako ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

I looked so stressed. I look like a panda.

Bumuga nalang ako ng hangin. Kinuha ko na ang gamit ko at bumaba na ako para asikasuhin naman ang kakainin namin.

Isang linggo na ang lumipas, at isang linggo ko na ding hindi nakakausap si Stell. Madalang siyang lumabas sa kwarto niya. Sa loob ng isang linggo, dalawang beses ko lang ata siya nakasalubong at hindi pa niya ako pinapansin.

Hindi rin siya kumakain ng maayos. Tuwing binibigyan ko siya ng pagkain, hindi niya ako pinag-bubuksan ng pinto. Tuwing tinitignan ko yung niluto ko, wala ding bawas.

Wala nanaman kaming maayos na pag-uusap. Parang bumalik lang kami sa dati. Yung dating hindi nag-papansinan.

Si LG lang ang nawala. Pero bakit pakiramdam ko, pati si Stell nawala din?

Kahit na ganon, nag-handa parin ako ng pagkain para sa aming dalawa. Minsan kasi napapansin ko na may kaunting bawas din yung pagkaing niluluto ko.

Kumain na ako at pagkatapos ay hinugasan ko na ang mga ginamit ko. Pumunta muna ako saglit sa sala para kuhanin ang gamit ko at ayusin ang sarili ko.

Umakyat din ako sa hagdan hanggang sa makarating ako sa tapat ng kwarto ni Stell. Marahan akong kumatok sa pinto.

"Stell, papasok ako sa trabaho ngayon ah?" sambit ko.

As usual, wala nanaman akong natanggap na salita mula sa kaniya.

"Ingat ka dito." iyon nalang ang huli kong sinabi bago ako bumaba muli.

Nang nasa kusina na ako ay nakasalubong ko si Vanessa.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Ah, papasok na ako sa trabaho." sagot ka.

Mukang medyo nagulat siya dahil sa sinabi ko. "You're okay now?"

I nodded. "Na-realize ko lang na wala namang mangyayari kung ipagpapatuloy ko yung ginagawa ko. Malulungkot lang ako at iiyak nang iiyak. Sa tingin ko, hindi matutuwa si LG sa ginagawa ko ngayon."

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now