CHAPTER 41: Irresistible

982 28 69
                                    

Chapter 41: Irresistible

Nagising ang diwa ko dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Nag-hikab ako tsaka ko kinusot ang mga mata ko. Grabe, ang sarap ng tulog ko. Hindi ko na kasi iniisip si Stell na natutulog sa sahig.

Speaking of Stell, kaya pala may medyo mabigat akong nararamdaman sa bewang ko dahil naka-yakap siya sa akin. Naka-talikod ako sa kaniya kaya hindi ko nakikita kung tulog o gising na ba siya.

Dahan dahan akong humarap sa kaniya. Naka-pikit parin siya, tulog pa siya. Kaya hinayaan ko nalang muna siya. Para makapag-pahinga pa siya.

Inangat ko ang kamay ko hanggang sa maabot ko ang muka niya. Kahit na natatakpan ang muka niya ay napaka gwapo parin niyang tignan.

Napa-ngiti nalang ako habang naka-titig sa kaniya. Curious na curious ako kung ano bang itsura niya. Pero kahit hindi ko naman makita ang muka niya sigurado akong gwapo talaga siya.

Hinaplos ko ang buhok niya hanggang sa mga mata at kilay niya. Sana lang hindi siya magising. Gusto ko lang naman i-admire ang itsura niya.

"Ang gwapo gwapo mo, kahit hindi ko pa nakikita yung buong muka mo." mahina kong sabi. "Siguro nga gwapo ka talaga." I blushed.

I sighed. "Ayos lang kahit hindi ko makita yung muka mo. Sigurado namang kahawig mo parin yung anak natin. Kaya parang makikita ko na din yung itsura mo sa itsura ng baby natin."

Mas naging excited tuloy ako na makita ang baby namin. Ilang buwan nalang, lalabas na siya. Ano kayang gender niya? Teka, hindi pa nga pala ako nakakapag-isip ng ipapangalan sa kaniya. Kailangan ding mag-suggest ni Stell ng ipapangalan namin.

Naputol ang pag-iisip ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na nasa muka niya. Nang tignan ko siya ay naka-tingin na siya sa akin. Nakakahiya tuloy, narinig ba niya yung mga sinabi ko kanina?

Bahagya akong yumuko. "S-Sorry, nagising ba kita?" tanong ko.

Gamit ang isa niyang kamay ay hinawakan niya ang pisngi ko. "Ang ganda mo." sambit niya sa boses na bagong gising lang.

Napa-ngiti nalang ulit ako. Nag-paubaya nalang ako nang marahan niya akong hinila para yakapin. Iniyakap ko din sa bewang niya ang braso ko.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Na kahit hindi ko siya maalala, nahahayaan ko lang siya na gawin sa akin ang mga bagay na dapat ikina-iilang ko.

Siguro, mahal na mahal ko talaga siya kaya kahit na hindi siya naaalala ng isip ko, naaalala naman siya ng puso ko.

Isiniksik ko ang muka ko sa dibdib niya. Gustong gusto ko nang maka-alala. Gustong gusto ko nang maalala lahat ng pinag-daanan ko, lahat ng pinag-daanan namin.

Gusto na kitang maalala, Stell.

...

Wala akong magawa at sobrang bored na ako kaya napag-pasyahan ko na umakyat sa third floor. Hindi pa ako nakakarating dito simula nang magising ako.

Nakaka-mangha talaga ang bawat palapag ng mansyon na 'to. May balcony pala dito sa third floor. Sa kaliwang bahagi ko ay may library naman akong natatanaw.

Hmm, this place is quite familiar.

'Pikit'

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip. Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ba ako o alaala ko talaga yung pumasok sa isip ko?

Bakit naman kasi ako magkakaroon ng memory sa library? Gosh. Tapos hindi pa simpleng memorya ang pumasok sa isip ko.

Umiling nalang ako at pilit na inalis sa isip ko ang memoryang 'yon. Kung totoo mang nangyari 'yon, mananahimik nalang ako.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now