CHAPTER 26: Dance In The Rain

935 30 58
                                    

Chapter 26: Dance In The Rain

Naging masaya naman ang mga araw na wala akong trabaho dahil kay LG at Stell. Pinasaya nila ako ng sobra kahit na medyo busy ako at nai-stress na din ako minsan sa trabaho ko.

Kaya eto, back to work na ulit. Medyo magaan din naman ang atmosphere sa office dahil sa mga co-workers ko.

"Sis, buko pie. Dala ng Tita ko." rinig kong sabi ni Angel tsaka niya inilapag sa desk ko ang isang box ng buko pie.

Nilingon ko siya ng may malawak na ngiti sa labi. "Wow. Thank you Angel!" sambit ko.

"Ano ka ba, wala 'yon. Ikaw pa, eh bessy na kita." aniya.

Lagi na kasi kaming nag-uusap simula nung makilala ko siya. Medyo naging close na din kami kasi lagi kaming magkasabay kumain ng lunch. Sa tingin ko may bago na akong bessy.

I grabbed my phone when I heard it vribrated. Kylie's calling.

"Hello Kylie?"

[Alexia, may sasabihin lang ako sa'yo. Mom is going to transfer me on our branch in Bicol.]

Nakaramdma naman ako ng pagka-gulat at lungkot dahil doon. Mapapalayo si Kylie. Hindi na kami masyadong mag-kikita.

"Gaano ka ka-tagal doon?"

[I'll be there for a year.]

I sighed.

[Hey, I might be a bitch but I'll miss you.]

Napa-ngiti naman ako dahil doon. Alam ko naman na mabait na tao si Kylie.

"Mami-miss din kita. Kailan ang alis mo?" tanong ko.

[Hmm, 2 days from now. Aasikasuhin ko pa yung mga papeles ko bukas.]

"Pwede ba tayong mag-kita mamaya o kahit bukas? Para naman may bonding parin tayo bago ka man lang umalis."

[Sure. Tomorrow, during lunch. Sabay tayong kumain.]

"Sige, i-text mo nalang ako."

[Yeah, sure. Bye.]

"Bye."

Nang mamatay na ang tawag ay napa-buntong hininga nalang ako. Nakakalungkot na kailangan niyang lumayo, pero mas maayos na din 'yon kasi mapapalayo siya sa akin, mapapalayo din siya sa pahamak.

"Sino 'yon bes? Bessy mo din?" tanong ni Angel.

"Ah, oo. Kaibigan ko. Ita-transfer daw kasi siya ni Tita sa Bicol. Nakaka-lungkot lang." sagot ko.

Apat na taon na din kaming magkakilala at magkaibigan ni Kylie. Marami na kaming memories.

"Ita-transfer?" tanong ni Angel.

Tumango ako. "Oo. Mommy niya yung CEO natin."

Napalitan ng pagka-gulat ang reaksyon niya. "OMG, si Kylie? Yung anak ni Ma'am Koreen? Bessy mo siya? OMG." ani Angel sa gulat na tono.

"Oo. Bakit?" raka kong tanong. "Wala namang nakakagulat doon."

"Ano ka ba? Alam kasi ng lahat na medyo hindi maganda ang ugali nung batang 'yon. Kaya walang kumakausap sa kaniya." pabulong niyang sabi.

"Ganon? Mabait kaya si Kylie. Baka hindi niyo lang kasi siya nakikilala ng lubusan. Pero trust me, she's a good friend." naka-ngiti kong sabi.

"Siguro nga. Sabagay, hindi naman namin siya nakakasama." lumapit siya sakin. "Pero wait, ibig sabihin close kayo ng Mommy niya?" bulong niya.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon