CHAPTER 13: Tattoo

698 24 32
                                    

Chapter 13: Tattoo

"Wag mong kakalimutang sabihan siya sa mga dapat niyang gawin. At yung singsing, siguraduhin mo ding lagi niya 'yong suot." paalala ko sa kaniya dahil bukas na ang unang araw ng babaeng mortal sa eskwelahan.

Importante ang singsing na 'yon. Ako pa mismo ang nag-lagay ng mahika doon. Hindi niya pwedeng iwala 'yon.

Naka-ngiti lang si LG habang tumatango tango sa harapan ko. Parang wala siya sa sarili at may iba siyang iniisip.

"Yeah, yeah. Nasabihan ko na siya." sagot niya habang naka-ngiti parin na parang aso.

"Siguraduhin mo lang na safe sa University na 'yon dahil ayoko ng gulo, LG." paalala ko pa ulit.

"It's safe, okay? Private school 'yon." sagot niya.

Private man o hindi, hindi parin talaga safe.

"Siguraduhin mo din na mag-aaral siyang mabuti at hindi niya sasayangin yung opportunity na ibinigay mo sa kaniya." sambit ko pa ulit.

Para siyang hindi mapakali dahil galaw siya nang galaw habang naka-ngiti nang malawak sa harapan ko. Ano ba talagang nangyayari sa batang 'to?

"Naiintindihan mo ba yung mga sinabi ko?" tanong ko.

"Maliwanag na maliwanag." sagot niya tsaka niya ako tinignan.

Nag-salubong ang kilay ko. "Ano bang ginagawa mo? Para kang bulateng hindi mapakali."

Mahina siyang natawa tsaka niya ako tinignan. Medyo kinakabahan na ako dito kay LG. May sakit ba 'to?

"Eh kasi naman, natatawa lang ako sa'yo." aniya.

"Ako? Bakit ka naman matatawa sakin? Seryoso ako dito." sambit ko.

Mahina siyang natawa. "Tignan mo nga naman kasi. Parang mas concern ka pa kay Lex kaysa sakin. Kung maka-paalala ka, tapos seryosong seryoso pa yung boses mo." sagot niya. "Bahala ka, baka iba na yung isipin ko niyan." sambit niya sa nanunuksong boses.

"Ano namang iisipin mo? Baliw ka ba? Iniisip ko lang yung safety natin."

"Safety, niya?" talagang diniinan pa niya ang huling salita.

"Natin, LG. Safety natin." pag-tatama ko sa kaniya. "Ngayong konektado na din siya sa buhay natin, delikado na din ang buhay niya. At dahil palagi na siyang lalabas ng mansyon ngayon, mas mae-expose siya sa mga tao, mas delikado. Iniisip ko yung kapakanan nating lahat." paliwanag ko.

"Oo na, bakit ka defensive?" tanong pa niya.

"Tinatama lang kita."

"Sus, pakipot ka pa kasi." bulong niya pero narinig ko parin.

"Anong pakipot ha? Bakit naman ako magiging pakipot? Ikaw LG kung ano ano na'ng sinasabi mo sa akin ah." reklamo ko.

"Bakit kasi hindi mo nalang aminin na concern ka sa kaniya? Tignan mo nga oh, ginagawa niya lahat para makuha yung tiwala mo, para maging proud ka din sa kaniya. Para tratuhin mo na din siya gaya ng pag-trato ko sa kaniya."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Inaamin kong may pakialam parin ako sa mortal na 'yon dahil konektado na siya sa amin ngayon. Pero hindi lang talaga ako sanay na may isang mortal na malapit sa akin. Buong buhay ko silang iniiwasang makasalamuha.

"Sige na, umalis ka na. Matutulog na ako." sambit ko sa kaniya.

"Ay oh, affected." panunukso niya. "Sana all talaga binubuhat mula library hanggang kwarto." parinig pa niya.

"Ginawa ko lang 'yon dahil ayaw ko ng may pakalat kalat sa bahay ko." paliwanag ko.

"O ginawa mo lang 'yon kasi concern ka talaga kay Lex? Yieee." itinuro pa niya ako habang naka-ngiti siya nang nakaka-loko.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon