CHAPTER 1: Hard-headed Girl

1.1K 33 16
                                    

Chapter 1: Hard-headed Girl

Agad kong iminulat ang mga mata ko nang magising ang diwa ko. Laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko sa isang may kalakihang kwarto.

Bumangon ako tsaka ako maingat na bumaba sa kama. Luminga linga ako sa paligid para tignan ang kagandahan ng kwartong ito, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking kwarto. 

Imbis na mag panic, mas nangibabaw ang pagka mangha ko. Maganda ang silid, napaka linis, walang ka-bahid bahid ng dumi. At ang mga kumot, unan, at punda, lahat kulay puti. Napaka sarap sa paningin. 

"Ang ganda. Kasing laki na 'to ng sala sa ampunan." bulalas ko. 

Napalingon ako sa sarili ko, ang dumi ng damit ko. Puro bahid ng lupa dahil sa nangyari kanina. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganoong eksena. Nakakatakot… Nakakakaba… 

Agad akong lumingon sa pintuan ng kwarto nang tumunog iyon. Nang mag bukas ang pinto ay bumungad sa akin ang isang maputi at gwapong lalaki. 

Hala ang gwapo! Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-gwapo sa personal! Muka siyang artista! Puro kasi gusgusin yung mga lalaking nakakasalamuha ko sa kalye. 

Napa titig nalang ako sa gwapong lalaking nasa harapan ko. Napaka amo ng muka niya. Muka din siyang mahinhin at napaka bait, muka siyang anghel. 'Yun nga lang, purong itim ang suot niyang damit. Muka siyang kontrabida sa mga palabas. 

Mas lalo akong nawindang nang ngitian niya ako. Pwede na akong mahimatay. 

"Sabi ko na nga ba at gising ka na. Halika na, ihahatid na kita." sambit niya sa malambot na boses. 

"H-Ha?" hanggwapo. 

Mahina siyang natawa. Pati pag tawa niya ang gwapo! 

"Ihahatid na kita, uhm, anong pangalan mo?" tanong niya. 

"Alexia. Pero pwede mo po akong tawaging Lex." sagot ko. 

Tumango siya. "I see, Lex." aba! Englishero pa! Mukang mayaman! 

Naghintay ako sa pagpapakilala niya pero hindi na iyon nasundan pa. 

Hindi na ako nakatiis. "Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ko. 

Nginitian lang niya ako. 

Ha? Bakit? Bawal? 

"Kuya, pwede bang magtanong?" tanong ko. 

"Sure. Ano 'yon?" 

Ehh, ano na nga ba ang tawag sa salitang iyon? Nakalimutan ko na pero nasa dulo na ng dila ko. 

"Hindi ka kasi mukang Pilipino eh, tsaka ang puti puti mo pa. May ibang breed ka siguro 'no? Chinese? Koreano?" diretso kong tanong. 

Natawa ulit siya. Naningkit tuloy ang mga mata niya, mas naging cute siya, hihi. 

"You mean, lahi? No, wala akong ibang lahi. Hindi ko rin alam eh." sagot niya. 

Hindi ko alam pero may munting ekspresyon akong nakita sa muka niya. 

"Ganun? Siguro ang ganda at ang gwapo ng mga magulang mo. Ang pogi mo kasi, hehe." wika ko. 

Binigyan na lang niya ako ng simpleng ngiti. "Siguro nga." sagot niya. 

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ba niya kilala ang mga magulang niya? Inabandona din ba siya katulad ko? 

"Pero Kuya, ano nga ang pangalan mo?" tanong ko ulit. 

"Secret." sagot niya. 

Eh? 

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now