CHAPTER 30: See You

877 27 57
                                    

Chapter 30: See You

My weekend passed so quickly. Papasok nanaman ako sa trabaho ngayon.

Masaya naman ang naging weekend ko eh. Pero hindi ko na magawang tumambay sa library dahil may iba akong naaalala doon. Nag-iinit ang pisngi ko tuwing napapadaan ako doon.

Sa bawat gabing matutulog ako ay imbis na sa sariling kwarto ako mahiga, doon ako napupunta sa kaharap na kwarto ng kwarto ko. At hindi ako nakakatakas sa kamandag ng isang Stellvester.

Pababa na ako sa hagdan para kumain ng agahan. Nakita ko si LG na nanggaling sa kusina, baka hinihintay niya akong bumaba.

"Sakto, nandiyan ka na pala. Halika na, kumain ka na. Siguradong ginutom ka nanaman ni Kuya sa pagod." diniinan pa talaga niya ang huling salita.

Umamba ako na hahampasin ko siya kaya umilag siya. "Ewan ko sa'yo! Naiirita ako sa muka mo." iritado kong sabi.

Hinayaan ko nalang siya at nag-lakad nalang ako papunta sa kusina. Nakita ko pa ang huli niyang reaksyon bago ko siya lagpasan. Muka siyang gulat at nag-tataka.

"Anong naiirita ka sa muka ko? Ngayon mo lang sinabi sakin 'yan ah. Sige, ganyanan pala ah." aniya at narinig ko naman ang mahihinang yabag ng paa niya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Naupo nalang ako sa pwesto ko sa counter top at nag-lagay ng pagkain sa plato ko. 'Di nag-tagal ay naupo na rin si LG sa harap ko. Hindi ko siya tinitignan, nakakairita siya eh.

"Huy, joke lang naman. Hindi ka naman mabiro." sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Sa plato lang ako nakatingin. Salubong parin ang kilay ko.

"Huy Lex. Sorry na nga." aniya sa medyo matamlay na boses. "You're hurting my feelings. Sabi mo nakakairita ako tapos hindi mo pa ako pinapansin." sambit na niya ngayon sa malungkot na boses.

Nilingon ko siya dahil doon, naiirita parin ako sa muka niya pero pilit ko siyang kinausap. "Sorry." sambit ko.

"Nag-sosorry ka ba talaga? Eh bakit muka ka paring galit?" tanong niya.

"Sorry na nga." kunot noo kong sabi.

"Okay, okay. Fine, ayos na. Calm down, tiger." sabi pa niya.

Umiwas nalang ako sa kaniya ng tingin. Narinig ko naman ang pag-tunog ng kutsara at tinidor sa likuran ko. Nandoon na si Stell, pwede na kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nag-pahinga lang ulit ako saglit. Pagkatapos ng limang minuto ay aalis na din ako.

After five minutes, I stood up and took my bag. "Alis na ako." paalam ko sa kanila.

"Ingat ka." ani LG tsaka niya ako nilapitan at niyakap, niyakap ko din naman siya pabalik. "Kayo din." sambit ko.

Nag-lakad naman ako palapit kay Stell, niyakap namin ang isa't isa at malawak ang ngiti ko habang magka-yakap kami.

"Ingat ka doon." aniya.

"Ingat din kayo dito." sambit ko pabalik.

Kumaway ako sa kanila bago ako tuluyang lumabas sa mansyon at sumakay sa kotse.

Pag-dating ko sa office ay si Angel agad ang nahagip ng mga mata ko. Ang ganda ng kulay ng scarf niya ngayong araw. Color purple!

"Hi Angel!" bati ko sa kaniya.

"Bessy! Good morning!" bati niya pabalik tsaka kami nag-beso beso.

"Kamusta naman ang weekend? Ay oh, blooming talaga, fresh na fresh!" aniya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now